Connect with us

Entertainment

Carlo Aquino, Proud na Ibinahagi ang Kanyang Masayang Karanasan Bilang First Time Daddy sa Kanyang Anak na si Elona Mithi

Tunay nga na kapag nagkaroon na ng pamilya at may sariling anak na, ay magbabago ang takbo buhay. Katulad na lamang ng aktor na si Carlo Aquino na magmula nang isilang ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Trina Candaza ang kanilang panganay na anak, ay naging masaya at makulay ang kanyang buhay.




Magmula sa isang abalang artista, ay isa na rin ngayong hands on daddy si Carlo sa kanyang baby girl na si Elona Mithi na isinilang ni Trina noong Setyembre 13,2020. Proud na ibinahagi ni Carlo sa publiko ang pagdating ng kanilang panganay na anak.

Pagbabahagi nga ni Carlo, ay espesyal ang ibinigay nilang pangalan sa kanilang anak na si Elona Mithi dahil ito’y may kahulugan. Ang Elona nga, ay nangangahulugang “alone” kapag binasa ng baligtad na may ibig sabihin na nais nilang lumaki ito ng “independent and adventurous”. Samantalang ang Mithi naman ay hango sa love interest niya sa karakter ng pelikulang “Pahina” na kanyang pinagbidahan noong 2000.

Talaga namang isang proud daddy si Carlo sa kanyang anak. Sa katunayan pa nga nito, ay ginawan pa nila ng sariling Instagram page si Elona kung saan makikita ang napakacute at adorable nitong mga larawan. Maliban rito, ay makikita rin sa Instagram ni Enola ang masayang bonding ng kanyang pamilya. Makikita nga na talagang madalas silang magbonding, at nakasentro ang atensyon ng first time parents sa kanilang baby girl.

Samantala, sa isang panayam kay Darla Sauler sa online talk program na “CATCH UP in 10 Minutes” matapos ang isang linggo pagkasilang kay Baby Enola, ay ibinahagi ni Carlo ang kanyang karanasan bilang first time dad. Pagsasalaysay nga ni Carlo, ay labis ang kanyang kaligayahan lalo na ngayon na may pamilya na siya.

Pahayag nga ng 35 taong gulang na aktor, ay masaya siya na biniyayaan siya ng isang anak at mabuting partner, dahil ang mga ito ang nagsisilbi niyang inspirasyon upang magtrabaho ng mabuti, lalo na para sa future ng kanyang anak.




Labis rin ang pasasalamat ni Carlo sa kanyang partner na si Trina, dahil sa kabila ng mga pagsubok na kanilang naranasan sa kanilang relasyon, ay nanatili silang matatag. Matatandaan naman na hindi naging madali ang pagbubuntis ni Trina, lalo na’t nasa gitna ng pandemya kung saan ay hindi agad sila makapagpacheck up na tanging pag-iingat at pagbibigay lang ng update sa OB ang kanilang ginawa.

At ngayon nga na kapiling na nila ang kanilang munting anghel, ay talagang masayang-masaya ang magkasintahan. Magkatulong nga silang dalawa sa pag-aalaga sa kanilang baby girl. Enjoy na enjoy naman si Carlo sa tuwing binabantayan ang kanyang anak. Napaka hands-on rin ni Carlo dahil mula sa pagpapaligo hanggang sa pagpapatulog kay Baby Enola ay kanyang ginagawa.

Hindi naman maikakaila sa mga larawang ibinabahagi ni Carlo sa Instagram na masaya at naeenjoy niya ang kanyang buhay bilang ama ni Elona at partner ni Trina. Sa bawat larawan nga, ay masisilayan ang pagiging isang mapagmahal at mabuting ama ni Carlo sa kanilang pamilya.

error: Content is protected !!