Connect with us

Entertainment

Carlo Aquino, Ibinahagi ang Dahilan Kung Bakit Kakaunti at Bilang Lamang ang kanyang mga Kaibigan

Published

on

Ang aktor na si Carlo Aquino ay nagsimula sa kanyang karera sa industriya ng showbiz bilang childstar. At ang angking talento niya sa pag-arte ay dinala niya hanggang sa pagiging teen star na talaga namang hinangaan ng publiko.

Ngunit, hindi lang sa pag-arte ipinamalas ni Carlo ang kanyang talento dahil may natatago ring galing ang aktor sa musika. Si Carlo nga ay dating lead vocalist ng bandang Kollide at naging miyembro rin ng bandang JCS kung saan nakasama niya sina John Prats at Stefano Mori.




Hindi rin naman mawawala sa buhay ng aktor ang makulay niyang love life. Dahil nga, may angking kakisigan rin ang aktor, marami ring mga magagandang babae sa showbiz ang kanyang nakarelasyon. Kabilang na nga rito ang aktres na si Angelica Panganiban na naging ka-love team niya on screen na nauwi sa totohanan ang kanilang pag-iibigan noong sila’y mga teenager pa. Ngunit, ang kanilang pagmamahalan ay nauwi sa hiwalayan na kung saan ay nanatili naman ang kanilang pagkakaibigan.

Photo credits: jose_liwanag | Instagram

Naging matagumpay nga ang karera ni Carlo sa showbiz, magmula sa kanyang mga kabanda at mga katrabaho marahil ay marami siyang kaibigan. Ngunit, ayon kay Carlo ay kakaunti lamang ang kanyang mga kaibigan na talagang malapit sa kanya.

Sa morning talkshow nga ng ABS-CBN na “Magandang Buhay”, ibinahagi ni Carlo ang dahilan kung bakit kakaunti at bilang lamang ang kanyang mga kaibigan. Sa kanyang panayam sinabi nga ng aktor na noong kabataan niya ay bilang lamang ang kanyang mga kaibigan na malapit sa kanya.

Photo credits: jose_liwanag | Instagram

Ayon sa aktor, mayroon siyang mga kababata at kalaro noon, na ngayon nga ay kumpare na niya. May pinsan rin umano siya sa mother side na naging ka-close niya at nakasama pa niya sa birthday concert, ito ang pinsan niyang si Paolo.

Nang pasokin naman niya ang showbiz, dito na nagsimulang nadagdagan ang kanyang mga kaibigan. Una nga niyang naging ka-close ang kanyang mga kabandang sina John Prats at Stefano Mori ngunit dahil nga abala na ang mga ito sa kanilang buhay, hindi na niya ito nakakasama ngayon.




Nadagdagan ulit ang bilang ng mga close friends ng aktor nang magkaroon siya ng panibagong banda noong 2000 at ang mga kaibigan niyang ito ay sina Wai at Edward na hanggang ngayon ay malapit pa rin sa kanya.

Photo credits: jose_liwanag | Instagram

Nang umalis naman siya ng ABS-CBN ay nakilala naman niya ang kaibigan niyang si Josh na hanggang ngayon ay kanya pa ring close friend. Ayon naman kay Carlo, noong bata pa siya ay hindi siya tulad ng ibang bata na nakikipaglaro sa iba dahil nakasanayan na niya ang paglalaro ng mag-isa.

Maging ang kanyang mga kapatid ay hindi rin niya nakakalaro dahil sa layo ng agwat ng kanilang edad. Bihira rin silang nagkakasama dahil nga noon ay nagkahiwa-hiwalay sila. Ngunit ngayon naman, ay close na close na sila ng kanyang mga kapatid.

Kaunti man ang maituturing na matalik na kaibigan ni Carlo, tiyak naman na tunay at tapat ang mga ito sa kanya.

error: Content is protected !!