Connect with us

Entertainment

Carlo Aquino, Ibinahagi ang Christmas-themed Photoshoot ng Kanilang Pamilya, Kasama ang Napakacute na si Baby Enola Mithi

Matapos magkaroon ng pictorial ang pamilya ng aktor na si Carlo Aquino noong nakaraang buwan ng Oktubre para sa Halloween, ngayon naman ay tila handang-handa na ang kanyang pamilya para sa parating na pasko.

Tila nga, ito na ang pinakamasayang pagdiriwang ng kapaskuhan ng new daddy na si Carlo, dahil ito ang unang pasko na ipagdiriwang nila kasama ang kanilang napakacute na anak ng kanyang partner na si Trina Candaza na si Baby Enola Mithi.




Ngunit, bago pa man sumapit ang araw ng pasko, ay nagkaroon muna ng family photoshoot ang pamilya ni Carlo na may temang pangpasko.

Photo credits: Carlo Aquino | Instagram

Sa Instagram, ika-9 ng Disyembre, araw ng Miyerkules nang ibahagi ni Carlo, ang larawan ng masaya nilang pamilya. Suot-suot ang holiday-themed pajama, makikita ang ngiti ng bawat isa habang nakaharap sa camera at naka-pose malapit sa Christmas tree. Ang napakagandang kuha ng larawan, ay kinunan naman ng Nice Print photography.

Mababakas naman sa caption ng post ng aktor ang labis na kaligayahan, na binigyan siya ng isang masayang pamilya, na itinuturing niya na “best gift” ngayong kapaskuhan.

“’The best of all gifts around any Christmas tree, the presence of a happy family all wrapped up in each other,’”caption ni Carlo sa kanyang post.

Photo credits: niceprintphoto 

Matatandaan na isinilang ni Trina ang panganay na anak nila ni Carlo noong nakaraang buwan ng Setyembre. Marami nga ang ginulat ng aktor, sa biglaan niyang pagsisiwalat na siya ay isa nang ganap na ama. Nang masilayan ni Carlo ang kanyang anak, ay walang pagsidlan ng tuwa ang aktor at nagpost pa sa social media, kung saan ay nilakipan niya ng caption na hango sa lyrics ng kanta ni Rico Blanco.

“You can thank your stars all you want but I’ll always be the lucky one.”




Malaki rin ang nabago sa buhay ni Carlo magmula nang dumating si Baby Enola, mula sa pagiging abala sa trabaho, ngayon nga ay isa nang hands-on daddy ang aktor, na madalas ibahagi ang kanilang masayang bonding moments.

Photo credits: niceprintphoto 

Ngayon pa lang nga, ay ibinubuhos na ni Carlo ang kanyang atensyon sa kanyang pamilya, at ang mga ito ang prayoridad niya ngayon. Kaya naman, ganun na lamang ang kanyang pagsusumikap upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mag-ina.

“Sobrang sarap sa pakiramdam na hindi na ‘yung sarili mo ‘yung priority kung ‘di ‘yung mag-ina mo na, ‘yung family mo. Ang sarap na nagtratrabaho ka para sa kanila. Kasi ito, future ng anak ko ‘yung nakasalalay ‘di ba? Siyempre gusto mo maging stable, maging maayos kung saan siya mag-aaral, ‘yung mga ganung bagay.”

error: Content is protected !!