Connect with us

Entertainment

Carla Abellana Nasurpresa at hindi Napigilang Maging Emosyunal ng Biglang Magproposed sakanya ang Kanyang Boyfriend na si Tom Rodriguez

Marami ang natuwa sa mga tagahanga ng celebrity couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa magandang balita na kanilang hatid. Ito nga ay dahil matapos ang halos anim na taong relasyon bilang magkasintahan, ngayon nga ay soon to be wife and husband na sila.

Taong 2014 nang magsimula ang matamis na pag-iibigan nina Carla at Tom. Matatandaan na ang kanilang tambalan bilang magka-love team on screen sa telebisyon at pelikula ay talagang naghahatid ng kilig sa kanilang mga tagahanga. At ang kanilang love story nga, ay tuluyan nang nauwi sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib.

Nito lamang ika-21 ng Marso, araw ng Linggo, ay isinapubliko ng celebrity couple na engaged na sila sa isa’t isa. Sa kani-kanilang Instagram account, ay masayang ibinahagi ng mag-fiancee ang magandang balita na ito.

Sa Instagram account ni Carla, ay masayang ibinahagi ng aktres ang larawan kung saan makikitang suot niya sa kanyang kamay ang isang napakagandang engagement ring. At base sa larawan, ay hawak-hawak naman ni Tom ang kanyang kamay.

Simpleng caption naman ang inilakip ni Carla sa kanyang post bilang pag-anunsiyo ng kanilang engagement.

“A million times, YES,”saad ni Carla sa kanyang post.

Samantala, ang aktor at soon to be husband ni Carla na si Tom, ay idinaan naman sa isang qoute na likha ng Nobel Prize winner na si Pablo Neruda ang kanyang post sa Instagram, kung saan ay mababakas ang kasweetan at labis na pagmamahal sa aktres na hatid ng bawat kataga.

“I love you without knowing how, or when, or from where. I love you simply, without problems or pride: I love you in this way because I do not know any other way of loving but this.”

Ayon naman sa Instagram post ng Nice Print Photography, na siya ring saksi ng intimate proposal ni Tom kay Carla, ay noong nakaraang buwan ng Oktubre 2020 pa naganap ang engagement ng dalawa. Makikita naman sa mga larawang ibinahagi ng Nice Print, ang pagluhod ni Tom upang hingin ang kamay ni Carla para maisuot ang singsing sa kamay ng aktres. Makikita rin na saksi ang kanilang pamilya, at ilang malalapit na kaibigan sa kanilang engagement proposal.

Samantala, marami naman sa kanilang mga malalapit na kaibigan sa showbiz ang nagpaabot ng pagbati. Ilan na nga rito sina Heart Evangelista, Erich Gonzales, Rayver Cruz, Jodi Sta. Maria, at Solenn Heussaff.

error: Content is protected !!