Connect with us

Entertainment

Carla Abellana at Tom Rodriguez, Mawawalay Muna sa Isa’t Isa sa Loob ng Apat na Buwan Bago Ikasal

Matapos ianunsiyo noong Marso ang engagement ng magkasintahang aktres na si Carla Abellana at aktor na si Tom Rodriguez, nito lamang ika-21 ng Mayo, ay ipinahayag naman ni Carla na maghihiwalay muna sila ng kanyang nobyo ng apat na buwan.

Sa isang vlog na ibinahagi ni Carla, ay sinabi niya na sa September na raw sila magkikita ni Tom, matapos ang apat na buwang lock in taping sa kani-kanilang trabaho. Nakatakdang ikasal ang mag-fiancee sa darating na Oktubre 23, 2021 sa Madre de Dios Chapel ng Tagaytay Midlands, ngunit dahil nga sa kanilang trabaho ay magtitiis muna sila ng apat na buwan nang hindi nagkikita at nagkakasama.

Sa ngayon ay nasa lock-in taping na si Tom sa bago nitong proyekto na World Between Us kung saan makakasama niya sina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith. Ito ay kaabang-abang na Kapuso Primetime series, at nag-umpisa na nga ang taping ni Tom noong Mayo 18 para sa teleserye. Habang si Carla naman ay sasabak rin sa lock-in taping sa loob ng isang buwan sa proyekto niyang Kapuso drama series na To Have and To Hold sa Bataan.

Photo credits: Carla Abellana | Instagram

Dahil nga sa mahabang panahong mawawalay sa isa’t isa, ay hindi maiwasan ni Carla ang makaramdam ng lungkot, lalo na’t ito ang unang beses na magkakahiwalay sila ng matagal.

“I’m a bit sad because… ahh, Tom also has a new show, not that I’m sad he has a new show—but I’m sad because we won’t be seeing each other in the next couple of months.”

Photo credits: Carla Abellana | Instagram

Kahit pa nga raw may break sila sa kanilang lock-in taping, ay hindi naman raw tugma sa break ng bawat isa, kaya hindi rin sila magkikita at magkakasama.

“So, even if may break in between lock-in taping… unfortunately, ang mga break namin, hindi nagtugma. Hindi common.”

“Meaning, the time he will be back from lock-in taping, ako, nasa lock-in taping pa rin. And vice versa.”

Photo credits: Carla Abellana | Instagram

At matapos ang apat na buwan, at lock-in taping nila pareho ay aabutin pa ng September, na kung saan ay pinakamahabang panahon na nagkahiwalay sila sa unang pagkakataon. Isa rin sa isipin ni Carla, ay ang preparations ng kanilang kasal. Dahil nga, pareho silang naka-lock in taping ay hindi sila makapaghanda ng maayos.

“So, unfortunately, it’s going to be like that until September. It’s going to be the longest time we’ll be apart, which is more or less four months.”

“Ahh, nagkataon pa na kung kailan preparing kami to get married, di ba, wedding preps and all.”

Photo credits: Carla Abellana | Instagram

Sa kabila nito, ay nananatiling positibo si Carla at mas tininggan ang kagandahang dulot ng sitwasyon nila ngayon ni Tom. Nagkahiwalay man, ay nagpapasalamat naman si Carla dahil may trabaho sila sa gitna ng pandemya. Malaking bagay rin ito para sa aktres upang matulungan at masuportahan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Makakapag-ipon rin raw umano sila hindi lamang para sa kanilang nalalapit na kasal kundi para na rin sa kanilang dream house.

“But thankfully, we have work. We are very grateful that we both have work. Magkahiwalay man kami ng show, we are so thankful.”

“Kasi, at least, we get to continue to put food on our table, support our families, of course.”

“And at the same time, siyempre, prepare na rin financially not just for the wedding but for our dream home na rin.”

Photo credits: Carla Abellana | Instagram

Handa ring magtiis si Carla sa loob ng apat na buwan dahil pagkatapos naman ng kanilang trabaho, ang mahalaga para sa kanila ni Tom ay ang maikasal sila.

“So, OK iyan. Tiis-tiis na lang muna. Hindi muna magkikita at magsasama nang ilang buwan. Pero for sure, e, worth it naman iyan. Because ang importante, ikakasal naman kami, di ba, at the end of our shows.So, yeah, wish us luck!”

error: Content is protected !!