Connect with us

Entertainment

Camille Prats, Ipinasilip ang Kanilang Bagong Family Home

Unang ipinasilip ni Camille Prats ang kanilang bagong family home sa isang YouTube vlog kung saan makikita ang nalalapit na pagtatapos ng konstruksiyon ng bahay. Pagbabahagi ni Camille,

“I realized while living here, kahit hindi pa masyado kumpleto yung laman, dito ko na lang de-decide-an bilhin yung mga bagay kasi, I wanna be able to make sure na tama ‘yung mga pieces na mabibili ko para hindi sayang. So, malalaman ko lahat ‘yun at makikita ko lang at mafi-feel ko lang kung ano pa ‘yung mga kulang sa bahay once na tumira kami dito.”

Photo credits: Camille Prats | YT

At ngayon nga na malapit nang maging fully-furnished ang family home na ito, ipinasilip ulit ni Camille ang kaniyang tahanan. Sa unang palapag ng bahay makikita ang living at dining area at napakalawak na kusina na mayroong open layout.

Photo credits: Camille Prats | YT

Kapansin-pansin din ang malalaking glass windows ng bahay na nakapagbibigay ng natural na liwanag sa buong bahay at nakatutulong upang matanaw ng pamilya ni Camille ang view mula sa loob ng kanilang tahanan.

Photo credits: Camille Prats | YT

Ipinasilip din ni Camille ang magiging master bedroom ng bahay na plano nilang lagyan ng isang telebisyon. Bagamat wala pang nailalagay na kama para rito, mapapansin naman ang mga naka-install na droplights. Magkakaroon din ng magkahiwalay na walk-in closet ang mag-asawa.

Pagdating naman sa kanilang sariling palikuran, makikita ang magkahiwalay na sinks, bathtub, at enclosed shower area. Ayon kay Camille, isa sa napaka-importanteng parte ng kanilang sariling palikuran ay ang towel warmers.

Photo credits: Camille Prats | YT

Mula sa master bedroom, mapupuntahan ang balcony. Ayon kay Camille, plano nilang mag-asawa na gawin itong seating area para sa kanilang mga bisita. Bukod dito, mayroon ding isang guest room para sa mga bisita. Hindi rin mawawala ang inilaang espasyo para sa kanilang mga anak. Dahil dito, mayroon silang itinalagang silid kung saan maaaring makapaglaro o mag-aral ang kanilang mga anak.

Photo credits: Camille Prats | IG

Totoong sa maraming pagkakataon, mahabang panahon ang kailangang hintayin upang matapos ang ating pinapangarap na tahanan. Bukod sa konstruksiyon nito, kailangang piliin nang mabuti ang mga muwebles na gagamitin para dito.

Photo credits: Camille Prats | YT

Kaya naman talagang kahanga-hanga ang pagtitiis at mahabang paghihintay ng pamilya ni Camille upang tuluyang matapos ang kanilang tahanan. Bagamat mayroon pang mga kakulangan para dito, ang mahalaga ay unti-unti rin nila itong mabuo hanggang sa tuluyan silang maging komportable sa kanilang pinakabagong family home.

error: Content is protected !!