Connect with us

Entertainment

Camille Prats, Ibinahagi sa Vlog ang Nalalapit na Nilang Paglipat ng Kanyang Pamilya sa Bago Nilang Bahay

Masayang ibinahagi ng Mars Pa More host na si Camille Prats sa kanyang mga tagasubaybay ang isang magandang balita, at ito nga ay nalalapit na nilang paglipat ng kanyang pamilya sa kanilang bagong bahay.

Photo credits: Camille Prats |YT

Batid natin na ng magkaroon ng pandemya sa ating bansa ay marami nga ang naapektuhan nito, hindi lamang ang trabaho ng ilan nating mga kababayan kundi maging ang mga ginagawang imprastaktura ay natigil din.

Ngunit sa kabila nga nito, ay nagawa pa rin ni Camille at ng kanyang mister na si VJ Yambao na ipagpatuloy ang pagpapagawa ng kanilang ipinapatayong dream house.

Photo credits: Camille Prats |YT

Dahil nga sa dami ng ipinagbabawal o mga restriction nung unang buwan ng taong 2019 ay hindi nga naging madali para kana Camille ang pagpapatrabaho ng ipinapatayo nilang bahay ngunit sa kabila nito ay nagawa pa rin nila ito na maipagpatuloy kahit nga mabagal ang pag-usad nito.

Photo credits: Camille Prats |YT

Matatandaan na buwan ng Abril noong nakaraang taon ng magbahagi si Camille sa kanyang Instagram account ng progress ng ipinapatayo nilang bahay, kung saan ay kanya ngang ibinahagi na malapit na itong matapos.

Samantala, nito lamang namang nakaraan na buwan ng Marso ng kasalukuyang taon, ay masaya namang ibinalita ng Mars Pa More host na halos nasa 100% na ngang tapos ang kanilang dream house at soon ay makakalipat na silang magpamilya.

Photo credits: Camille Prats |YT

“It’s already mid-March at kami ay lipat na lipat na. The house is finally almost done after almost 2 years of building it”, ang naging pagbabalita ni Camille.

Sa bagong house update din na ito na ibinahagi ni Camille ay kanyang ipinasilip ang loob ng kanilang bagong lilipatan na bahay. Makikita nga na ang mga ceiling nito ay tapos na at naka-install na rin ang mga ilaw. Ipinakita rin niya na halos ang buong bahay nila na ito ay glass walls, ito ay dahil sa gusto umano nilang mag-asawa na ma-enjoy ang magandang view sa labas mula nga sa loob ng kanilang tahanan.

Photo credits: Camille Prats |YT

Ipinasilip din ni Camille ang iba pang bahagi ng bagong tahanan nga nila na ito na lilipatan na nila soon, kagaya na lamang ng patio, kitchen, dining area, living area at maging ang kanilang master’s bedroom at masters’ bathroom.

Photo credits: Camille Prats |YT

Bagama’t marami pa ngang kulang na kagamitan, lalo na ang mga furnitures sa tahanan nga nila na ito ay hindi naman maitago ni Camille ang kanyang kasiyahan at excitement na ‘soon’ nga ay makakalipat na sila ng kanyang pamilya sa dream house nila na ito at dito nga ay panibagong mga alaala na naman ang kanilang bubuuin.

error: Content is protected !!