Connect with us

Entertainment

“But I’m very confident with my ‘babies'”: Valeen Montenegro, Proud sa kanyang Maliit na Hinaharap at Walang Balak Magpadagdag Kahit Madalas siyang Tuksuhin ng Marami

Isa nga sa maituturing na asset ng mga kababaihan sa kanilang katawan ay ang pagkakaroon ng malaking hinaharap. Dahil kapag taglay nga ito, ay masasabi na talagang kaakit-akit at napakaganda ng hubog ng katawan.

Ngunit, sa kasamaang palad ika nga, ay hindi lahat ng babae ay biniyayaan ng malaking hinaharap. Kaya naman ang madalas na tawag sa mga babaeng taglay ang maliit na hinaharap ay “flat. Ito nga ay isang dahilan upang maging tampulan ng tukso ang mga babaeng “flat chested.”

Katulad na lamang nga ng aktres at dancer na si Valeen Montenegro, na madalas tuksuhin dahil sa kanyang “flat” na dibdib. Kahit pa nga, napakaganda ng kanyang mukha at napakahusay na artista at dancer, ay marami pa rin ang nakakapansin ng pagkakaroon niya ng maliit na dibdib na siyang ginagamit ng ilan upang “maliitin” siya.

Ngunit, sa kabila ng pangmamaliit sa kanya ng marami, ay hindi siya apektado sa mga sinasabi ng mga ito sa pagkakaroon niya ng maliit na hinaharap. Bagkus, ay proud si Valeen sa kanyang sarili dahil tanggap niya bagamat hindi siya biniyayaan ng malusog na dibdib, ay fit and healthy naman ang kanyang katawan.

Photo credits: valeentawak | IG

Sa programang “Mars Pa More”, ay ibinahagi nga ni Valeen ang kanyang saloobin at nais iparating sa kanyang mga basher.

“Shoutout nga pala sa mga mahilig mag-judge at sabihin na ako ay ‘flat’ or ‘nakatalikod.’”

“Sana ay mas malaki na lang ‘yung boobs para mas perfect, para mas feminine tingnan.’ ‘Yun ‘yung lagi nilang sinasabi. But, for the record, actually parang first time ko itong sasabihin sa TV. I’m very confident with my ‘babies.’ I love them how they are.”

Photo credits: valeentawak | IG

Sa kabila nga ng kanyang maliit na hinaharap at panunukso sa kanya, ay hindi kailanman sumagi sa isip ni Valeen ang sumailalim sa breast enhancement. Ito nga ay dahil biyaya ito para sa kanya, lalo na’t hindi naman ito nakakasagabal sa kanyang lifestyle.

“Kasi hindi siya hindrance. I mean I’m not saying naman for other people that have bigger boobies than me or nahihirapan, pero I love the way they are and I’m not at all insecure about them.”

“As in, I’m so confident and I’m so blessed to have this. Kasi feeling ko sakto siya sa lifestyle ko rin.”

Photo credits: valeentawak | IG

Proud namang ibinahagi ni Valeen, nasa kabila ng maliit niyang dibdib, ay pambawi naman ang ibang bahagi ng kanyang katawan na talaga namang hahangaan.

“At saka medyo bumawi naman doon sa back side. Sobrang fair ni Lord, binawian Niya ako roon sa back side”.

Photo credits: valeentawak | IG

Hindi naman maikakaila na talagang inaalagaan ng mabuti ni Valeen ang kanyang katawan upang mapanatiling fit and healthy. At ang resulta nga ng kanyang work out ay makikita sa mga kahanga-hanga niyang larawan sa Instagram.

error: Content is protected !!