Connect with us

Entertainment

“Busog lang ako”: Michelle Vito, Sinagot Ang Paratang Ng Mga “Marites” Na Nagsasabing Buntis Siya

Tila nga nitong mga nakaraang araw ay mas lalong dumadami ang mga “Marites” sa social media o ang mga tanong mahilig manghusga ng kapwa at mahilig makialam sa buhay ng ibang tao. Sila nga ang mga tinaguriang tsismosa ng bayan na ngayon ay kilala naman sa tawag ng mga netizens na “Marites”.

Credits: Enzo Pineda | IG

Marahil sa lahat ng kilos at galaw ng mga sikat na artista sa showbiz, ay nakaabang ang mga “Marites”. At hindi nga nakaligtas sa mata ng mga “Marites” ang aktres na si Michelle Vito na kung saan ay nakatanggap ng maling parating.

At nitong Lunes lamang ika-1 ng Nobyembre, ay sinagot ni Michelle ang mga “Marites” na nagsasabing siya’y buntis matapos ibahagi ng aktres ang larawan nila ng kanyang boyfriend na si Enzo Penida na kuha sa beach habang sila’y nagbabakasyon sa Thunderbird Resort, Poro Point, San Fernando City, La Union.

Credits: Enzo Pineda | IG

Mapapansin kasi na nakaumbok ang tiyan ng aktres sa suot niyang red swimsuit ngunit paglilinaw nga ni Michelle sa mga “Marites” na kanyang idinaan sa isang post sa Twitter ay busog lamang siya at hindi buntis.

Credits: Michelle Vito | Twitter

“Happy Monday mga Marites. Gusto ko lang naman kumain. Busog lang po ako,” saad ng aktres.

“So stop lunch na po kayo hays,”dagdag pa niya.

Ang Twitter post na ito ay ginawa ni Michelle dahil ang isa sa mga larawan sa post ni Enzo sa kanilang bakasyon kasama ang kanilang pamilya, ay inulan ng komento mula sa mga netizens. Sa nasabing larawan kasi ay makikita nakatakip ang kamay ni Michelle sa kanyang tiyan. Kaya naman, karamihan sa mga naging komento sa nasabing larawan ay inaakala na buntis siya at inaakala na nakaumbok na ang kanyang “baby bump”.

Samantala, nagbahagi rin ng ilang larawan si Michelle sa kanyang Instagram account kung saan nga ay mamikitang nakasuot nh red swimsuit ang aktres habang nakatakip pa rin sa kanyang tiyan ang kanyang mga kamay. Nilakipan naman niya ito ng caption na:

“Good times and tan lines.”

Credits: Enzo Pineda | IG

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens na inakalang nagdadalantao si Michelle.

“Oww.. mukhang may revelation .magaganap yang patakip takip na yan.”

“Babybump?”,tanong ng isang netizen.

May isang masugid namang tagahanga ang magkasintahang Michelle at Enzo na ipinagtanggol ang aktres sa comment section ng post at sinabi:

“busog lang po sya.”

Credits: Enzo Pineda | IG

Ang magkasintahang Michelle at Enzo ay magdadalawang taon nang magkarelasyon, at noong nakaraang buwan ng Pebrero ay ipinagdiwang nila ang kanyang first anniversary bilang magkasintahan.

Matatandaan naman na noong Agosto 2020 nang unang isapubliko ng celebrity couple ang kanilang relasyon. At ito nga ay matapos ibahagi ni Enzo ang sweet photo nila ni Michelle kung saan sinabi ng aktor sa caption ng post kung gaano kahalaga sa kanya ang aktres.

Credits: Enzo Pineda | IG

“In this vast infinite universe that we are in, I’m blessed that I ended up in this interesting planet called earth & met you.”

“Thank you for sunnier days and thank you for inspiring me to be a better man.”

“I treasure every moment with you and I’m excited for the adventures life has in store for us.”

error: Content is protected !!