Connect with us

Entertainment

“Buo na Birthday ko”: Aiko Melendez, Masayang Ipinagdiwang ang Kanyang Ika-45 Taong Kaarawan Kasama ang Mga Anak at Boyfriend nito

Isang simple ngunit masaya ang naging selebrasyon ng pagdiriwang ng ika-45th birthday Prima Donnas star at Kapuso star na si Aiko Melendez. Nito lamang ika-16 ng Disyembre, araw ng Miyerkules, ay hindi napigalan ng pandemya ang masayang pagdiriwang ni Aiko ng kanyang birthday.

Hindi naman maitatanggi na masayang-masaya ang aktres sa espesyal na araw niyang ito sapagkat kasama niya ang kanyang mga mahal sa buhay.

Sa Instagram ay masayang ibinahagi ni Aiko ang mga kaganapan sa selebrasyon sa loob ng kanilang tahanan. Sa pamamagitan ng mga larawan at video, makikita na bagamat simple lamang ito, ay masisilayan naman ang ngiti sa labi ng bawat isa.

Pahayag naman ni Aiko sa caption ng kanyang post, ay buo na raw ang kanyang birthday. Makikita kasi sa ilang kuha ng larawan na kasama niya ang kanyang dalawang anak. Si Andre na anak niya sa dating karelasyong aktor na si Jomari Yllana. At si Mathena na anak naman niya sa dating asawa na si Martin Jickain na isang modelo.

“Buo na birthday ko,”caption ni Aiko.

Hindi rin siyempre mawawala ang boyfriend ng aktres na siyang kokompleto sa kanyang kaarawan, na si Subic Vice-Governor Jay Khonghun. Makikita nga na sadyang napakasweet ng nobyong ito ni Aiko dahil binigyan siya nito ng isang napakaganda at napakalaking bouquet ng bulaklak.

Sa hiwalay na post sa Instagram, ibinahagi ni Aiko ang isang larawan kung saan hawak niya ang bouquet ng peach-colored roses, habang katabi ang kasintahan at masayang nakangiti. Pinasalamatan naman ng aktres sa caption ng kanyang post ang nobyo.

“Thank you baby Jay Khonghun for my favorite peach roses. I love you.”

Matatandaan na noong March 2018 nang ibunyag ni Aiko ang kanyang relasyon sa Vice Governor ng Subic na si Jay Khonghun. At kamakailan lamang, nang masayang ipagdiwang ng magkasintahan ang kanilang anibersaryo.

Matatandaan rin na minsan nang ibinahagi ni Aiko sa isang panayam, na hindi umano niya pinapansin ang mga mensahe ni Jay noon, ngunit nang dahil sa isang dinner ay nagbago ang lahat, at doon na nga nagsimula ang kanilang wagas na pag-iibigan.

At sa loob naman ng ilang taong relasyon, kamakailan naman ay ibinahagi ng aktres na napag-uusapan na nila ang magkaroon ng sariling pamilya at magkaroon ng anak.

“Pero nandoon kami sa proseso na pinag-uusapan namin na gusto ko i-freeze ‘yung egg ko. Para ‘pag dumating ‘yung time na gusto namin.”

error: Content is protected !!