Connect with us

Entertainment

Bunsong Anak Nina Ryan Agoncillo At Judy Ann Santos Na Si Luna Masayang Nagdiwang Ng Kanyang 6th Birthday

Ang pamilya ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang isa marahil sa hinahangaang pamilya sa industriya nh showbiz. Ang kanilang pamilya nga ay magandang halimbawa ng isang masayang pamilya na puno ng pagmamahal.

Photo credits to the owner

Ang bawat okasyon nga sa loob ng kanilang tahanan ay hindi nila pinapalampas. Katulad na lamang nga ng pagdiriwang ng kaarawan ng kanilang bunsong anak na si Luna. Nito lamang ika-8 ng Enero ay masayang ipinagdiwang ni Luna ang kanyang 6th birthday.

At para nga sa espesyal na araw ni Luna, ay tiniyak ng mag-asawang Ryan at Juday na mabibigyan nila ng isang masayang selebrasyon ang kanilang anak sa loob ng kanilang tahanan. Isa ngang simple ngunit napakasayang selebrasyon ang naganap sa loob ng tahanan nina Juday at Ryan.

Photo credits to the owner

Ipinasilip naman ni Juday sa kanyang Instagram ang ilang larawan na kuha sa masayang pagdiriwang ng 6th birthday ni Luna. Makikita sa isang larawan ang masaya nilang pamilya na binubuo ng mag-asawang Juday at Ryan kasama ang kanilang tatlong anak na sina Yohan, Lucho at Luna.

Photo credits to the owner

Ibinahagi naman ni Juday na mismong si Luna ang pumili ng mga bagay na gagamitin sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Katulad na lamang nga ng theme, birthday cake design, food menu, at disenyo para sa kanilang t-shirts. Nagawa namang magbiro ni Juday sa kanyang post kung saan sinabi niyang wala na silang ginawa kundi ang umorder at magbayad.

Sa kanyang post rin ay binigyang diin ni Juday ang magagandang katangian ng kanyang bunsong si Luna na ngayon nga ay anim na taong gulang na. Sa kanyang mensahe ng pagbati ay mababakas rin ang labis na pagmamahal ni Juday sa kanyang bunsong anak.

Photo credits to the owner

“That’s our 6 year old baby girl … super independent, smart, funny, sweet, loving lunnie bunny.”

“Happy birthday our dearest potpot … we love you with all our heart. Mommy and daddy will be with you every single step of the way.”

Photo credits to the owner

Makikita rin sa Instagram stories ni Juday na ibinahagi rin niya ang ilang larawan at video ni Luna na masayang-masaya sa kanyang kaarawan katulad ng birthday pancakes, cracking Luna’s pinata cake, at isang video kung saan makikita ang pagbasag ni Luna sa kanyang pinata sa kanilang garden. At hindi naman maikakaila na talagang nag-enjoy si Luna sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Samantala, ipinaabot rin ni Ryan ang kanyang pagbati sa kanyang anak na si Luna. Kalakip ang simpleng caption na,“Juana Luisa, 6”, ay ibinahagi niya ang mga cute na larawan ni Luna.

error: Content is protected !!