Connect with us

Entertainment

Bunsong Anak nina Geoff Eigenmann at Maya Flores, Masayang Ipinag-Diwang ang 1st Birthday

Published

on

Ang pagdiriwang ng kaarawan ay isang beses isang taon lamang ginaganap kaya naman, ang espesyal na araw na ito ay kinasasabikan ng pamilya, lalo na ng may kaarawan. Ngunit, higit naman ang kaligayahan ng mga magulang kapag ang kanilang mga anak ang nagdiwang ng kaarawan dahil ito’y maituturing na biyaya sa panibagong buhay na ipinagkaloob.




Lubos nga ang kaligayahan ng aktor na si Geoff Eigenmann at Maya Flores sa pagdiriwang ng 1st Birthday ng kanilang bunsong anak na si Angus noong June 15.

Photo credits: blushmaya | Instagram

Dahil nga patuloy na umiiral sa Metro Manila ang community quarantine na ipinapatupad ng gobyerno upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na dulot ng COVID-19, nananatili pa rin sa kanilang mga tahanan ang ilang mamamayan. At kabilang na nga rito ang pamilya ni Geoff, kaya naman napagpasyahan nilang sa loob na lamang ng kanilang tahanan magkaroon ng simpleng selebrasyon para sa kaarawan ng kanilang anak.

Photo credits: blushmaya | Instagram

Samantala, ipinaabot naman nina Geoff at Maya ang kanilang pagbati sa kanilang anak sa Instagram.




Ang singer at proud Mommy na si Maya ay nagbahagi ng mga larawan na kuha sa ginanap na house party ng anak at nilakipan ito ng caption na:

“Happy 1st birthday to the sweetest boy ever!”

Photo credits: blushmaya | Instagram

Samantalang ang aktor naman na si Geoff ay nagbahagi sa Instagram ng larawan ng cute na si Baby Angus habang nakangiti at nilakipan naman ng sweet caption na:

“This photo says it all. Happy 1st birthday my baby boy! Just keep being you”.

Photo credits: blushmaya | Instagram

Bagama’t, simple ang kaganapan sa pagdiriwang ng kaarawan ni Baby Angus, makikita naman sa pamilya na masayang-masaya sila sa espesyal na araw ni Baby Angus.




Ang couple na sina Geoff at Maya ay biniyayaan na ng dalawang anak, maliban nga kay Angus ay may babae pa silang anak. Siya si Arabelle Simone, ang kanilang panganay na anak. Matatandaan na, ang kanilang panganay na anak ay isinilang isang taon bago pa man sila ma-engaged noong April 15 last year. At ngayon nga na dalawa na ang bunga ng kanilang pagmamahalan ay nagbabalak na ang dalawa na ituloy ang kanilang pagpapakasal.

error: Content is protected !!