Connect with us

Entertainment

Bunsong Anak Nina Andi Eigenmann At Philmar Alipayo Na Si Koa, Kinagiliwan Ng Publiko Matapos Ipamalas Ang Galing Mag-surf Kahit Isang Taong Gulang Pa Lamang

Tila nga nasa dugo na ng pamilya ni Andi Eigenmann at Philmar Alipayo ang husay pagdating sa surfing. Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko na isang champion surfer si Philma, at hindi maikakaila na naipamana niya ito sa kanyang mga anak.

Photo credits: Andi Eigenmann | IG

Kung matatandaan, ay si Lilo ang unang tinuruan ni Philmar na matutong mag-surfing. At hindi naman niya papalagpasij ang pagkakataon na maturuan rin ang bunsong anak na si Koa. Ang cute na batang si Koa ay maagap natutong magsurfing sa edad na isang taong gulang, dahilan nga para humanga ang mga netizens.

Photo credits: Andi Eigenmann | IG

Nitong Huwebes lamang, sa Instagram post ng kanyang ina na si Andi Eigenmann ay masayang ibinahagi nito na natuto na ring mag-surf si Koa sa kabila ng mura nitong edad.

“If skating was what motivated him to start walking, I guess it’s surfing that’s sure has been motivating him to swim so bravely and well!”

Sa nasabing Instagram post ay ibinahagi nina Andi at Philmar ang mga larawan ni Koa. Makikita na makailang beses na sinubukan ni Koa sa surfing board, ay matagumpay niyang naibalanse ang sarili habang nakatayo siya sa surfing board. At sa edad niyang isang taong gulang ay talagang kahanga-hanga ito.

Photo credits: Andi Eigenmann | IG

Hindi ba’t tunay ngang nakakamangha, sinong mag-aakala na magagawa ito ng bata at napakabilis matuto sa pagsurfing. Na dapat sa edad nito ay natututo pa lamang itong maglakad.

Bagama’t nakakakabang panuorin dahil masyado pang bata si Koa para sa ganoong aktibidad ay diyan ang kanyang mga magulang upang umalalay at siguraduhin ang kanyang kaligtasan. Tila pinapabatid ng napakabibo at cute na batang si Koa na gusto nitong sumunod sa yapak na kanyang amang si Philmar bilang champion surfer.

Photo credits: Andi Eigenmann | IG

Nakabase ang pamilya ni Andi sa Siargao, malapit sa dagat at sikat na surfing area. Kaya’t sa mga anak ni Andi hindi lang si Koa ang marunong umapak sa surfing board. Sa katunayan may alam din sa pagsusurfing si Lilo na ngayon ay dalawang taong gulang.

Masaya namang ibinahagi ni Andi na para matuto sa mga bagay-bagay ang kanyang mga anak ay hinahayaan niya gawin ang nais ng mga ito. At bilang mga magulang naman, ay hindi sila nawawala sa tabi ng kanilang anak para ipakita ang kanilang pagsuporta.

Photo credits: Andi Eigenmann | IG

Saad pa ni Andi “I find that a great way for little ones to learn a new skill, is simply by letting them have a go at it! “Trust them as they explore their capabilities and support them as they push themselves to try.”

“Lilo has been leveling up on her swimming skills by the day, and I see that it’s having playmates around and being able to do fun activities in the water that motivate her to do so. Like surfing! It doesn’t matter if they eventually opt to explore different things as they get older. That’s what makes life more enjoyable after all.”

“But what a simple joy it is to see them love the life we are able to offer them. Not by force, but by nature,”

error: Content is protected !!