Connect with us

Entertainment

Bunsong Anak ni Diana Zubiri Na Si Baby Amira, Kinagigiliwan Ng Netizens Dahil Kanyang Taglay Na Ganda At Kakaibang Kulay Ng Mata

Agaw pansin ngayon sa social media ang bunsong anak ng aktres na si Diana Zubiri na si Baby Amira. Sa taglay na ganda at kacutan ni Baby Amira ay talaga namang maraming humahanga. Ngunit,mas lalong hinahangaan ng marami ang kakaibang kulay ng mata ng cute na bata.

Credits: Diana Zubiri | IG

Si Baby Amira ay isang taong gulang pa lamang at tila isang manika ang taglay nitong ganda. Ang captivating eyes nitong kulay green-gray ay agad na napapansin dahil sadyang napakaganda nito at bumagay naman ito sa kanyang magandang red hair.

Hindi naman maikakaila na isang proud mommy si Diana sa kanyang anak. At sa kanyang social media nga ay masisilayan ang mga cute and adorable photos ni Baby Amira. At masisilayan nga sa mga larawan ang isang napakagandang bata na maihahalintulad sa ganda na taglay ng isang manika. Bukod sa kanyang kakaibang kulay ng mata, ay agaw pansin rin ang kanyang pink lips na kahit hindi nakangiti sa ilang larawan ay napakaganda parin.

Credits: Diana Zubiri | IG

Ang larawan ni Baby Amira na napakagandang pagmasdan ay nilakipan naman ni Diana ng may pagbibirong caption.

“Caption this please. Nakatakas lang ako sa ate ko, papunta kaming tindahan para bumili ng chicharon. Ako lang to guys. Silaw sa araw.”

Hindi nga tumagal ay dinagsa na ito ng mga komentong puno ng paghanga mula sa mga netizens. At sa loob lamang nga ng 30 minuto ay umabot na ng 1K reactions mula sa mga netizens at maging mula sa mga kaibigan ni Diana sa show.

Credits: Diana Zubiri | IG

Ilan nga sa mga celebrities na nag-iwan ng komento sa napakacute na larawan ni Baby Amira ay si Iwa Moto na talagang namangha sa taglay na ganda nito.

“OMG, Napakaganda,”komento ni Iwa.

Nagbigay rin ng komento ang Encantadia director na si Mark Reyes kung saan ay nagsabing “Sanggre levels”. Matatandaan na gumanap ang aktres na si Diana sa fantaseryeng Encantadia ng GMA network bilang si Sangre Danaya. Nag-iwan rin ng komento ang singer-actress na si Jessa Zaragosa at sinabing pang “supermodel levels” ang dating ni Baby Amira.

Credits: Diana Zubiri | IG

Bumuhos rin ang komento mula sa mga netizens sa taglay na ganda at kacutan ni Baby Amira.

“She’s like a doll. Stunningly beautiful.”

“pashneya anak siya ni LilaSari, isa siyang hator. Char lang, cutie baby.”

“I watched her blog super simple family, very happy for mrs diana for finding true love and hapiness again.”

“beautiful baby girl with her pretty eyes”.

Credits: Diana Zubiri | IG

Si Baby Amira ay pangatlong anak ni Diana sa kanyang asawang si Andy Smith. At makikita sa social media post ng aktres na masayang ipinagdiwang ng kanilang pamilya ang pasko sa Australia.

error: Content is protected !!