Connect with us

Entertainment

“Bukas ang aking tahanan para sa iyo Miss Myanmar”: Pokwang Naawa sa Kalagayan ni Miss Myanmar Dahil Hindi na Makakauwi sa kanilang Bansa, Nais Patuluyin sa Kanilang Tahanan

Narinig ng buong mundo ang panawagan ni Miss Universe Myanmar Thuzar Wint Lwin na ipagdasal ang kanilang bansa laban sa mga militar na sumasakop ngayon roon. Dahil nga, marami ang nakisimpatya sa kalunos-lunos na kalagayan ni Miss Myanmar, ay siya ang nagwaging Best in National Costume sa nagdaang Miss Universe 2020.

Matapos naman ang naganap na international pageant na 69th Miss Universe, ay inamin ni Thuzar na baka hindi na siya makabalik sa kanilang bansa matapos malaman ng border custody ang kanyang pagtakas kung saan ay pinatawan siya ng warrant of arrest.

Dahil nga sa nasabing kaguluhan sa Myanmar, bago pa man maging kandidata si Thuzar ng Miss Universe 2020, ay aktibo siya sa pagdalo sa mga kilos protesta sa kanilang bansa at ito’y nakunan sa social media.

Inamin rin ni Thuzar na upang makadalo sa Miss Universe sa Florida, USA ay nag-disguise siya nang dumaan sa immigration sa pamamagitan ng pagsusuot ng hoodie jacket at sunglasess. Nagtagumpay naman si Thuzar na makarating sa kanyang destinasyon hanggang matapos nga ang kompetisyon.

Ibinahagi rin niya na ang kanyang mga kagamitang gagamitin sa kompetisyon ay nauna na niyang naipadala sa Amerika. Ito nga ang mga suitcase na naglalaman ng kanyang gown at ibang pang gamit. Ngunit, ang kanyang isusuot sa National Costume ay hindi nakarating.

At ang kanyang inirampa nga sa National Costome, ay doon na mismo ginawa sa Amerika. Naging makabuluhan naman ang suot niya para sa National Costume kung saan ay may dala siyang placard na may nakasulat na “Pray for Myanmar” at ito’y pinakinggan ng buong mundo, at siya ang itinanghal na Best in National Costume.

Bumuhos naman ang may mabubuting puso na ang nagpakita ng pagmamahal at talagang naawa kay Miss Myanmar. Isa na nga rito ang komedyanang si Pokwang na talagang ipinaramdam ang pagmamahal kay Miss Myanmar kung saan ay nais itong patuluyin sa kanilang tahanan upang ipagluto at pakainin ng kanyang masarap na putahe.

Photo credits: itspokwang27 | IG

“Bukas ang aking tahanan para sa iyo Miss Myanmar (praying emoji) halika muna sa aking bahay papakainin kita ng roasted chicken at laing ni Mamang.”

 

Ayon naman sa Bandera, ay may nakausap silang ilang Pinoy sa Amerika na nahabag rin sa kalagayan ni Miss Myanmar. Saad umano ng ilang Pinoy, sana raw ay maayos na ang gulo sa bansa nito upang makauwi na, dahil walang ibang pupuntahan ang beauty queen sa Amerika, kung wala naman itong kamag-anak roon.

“Baka bigyan ng asylum, alalayan ng Miss Universe organization.”

error: Content is protected !!