Connect with us

Entertainment

Buboy Villar, Nagulantang ng may Magtayo ng Paresan Katabi ng kanyang Paresan Business

Iba’t iba na nga ang naiisip na pakulo ng karamihang YouTube content creators para sa kani-kanilang mga vlogs. Para sa mga beauty at fashion vloggers, ibinabahagi nila ang kanilang sekreto pagdating sa pagpapaganda samantalang ang ilan pang vloggers ay ipinapakita ang iba’t ibang ari-arian na kanilang naipundar mula sa kanilang vlogs.

Kung ang iba naman ay ipinapakita lamang ang kanilang simpleng pang-araw-araw na pamumuhay, ang iba naman ay ibinabahagi ang kanilang magagarang mga bakasyon.

Ngunit ang isa sa pinakapatok na vlogs ngayon ay ang mga nakakatuwang pranks ng mga vloggers na ito sa kanilang malalapit na kaibigan.
Para sa pinakabagong vlog ng kilalang personalidad na si Jelai Andres, nag-organisa ito ng isang prank para sa kaniyang malapit na kaibigang si Buboy Villar.

  \

Photo credits: Jelai Andres | Youtube

Talaga nga namang nakakatuwa ang ginawang prank na ito ni Jelai dahil gayang-gaya niya ang negosyong paresan ng kaibigan. Mula sa mga kagamitan, puwesto, presyo, at maging ang pangalan at syempre, ang mismong pares ay talagang gayang-gaya rin niya.

Photo credits: Jelai Andres | Youtube

Dagdag pa rito, hindi rin nakalimutan ni Jelai na mang-engganyo ng mga customers para sa pekeng negosyo na ito.

Photo credits: Jelai Andres | Youtube

Photo credits: Jelai Andres | Youtube

Lalo ring naging matagumpay at kapani-paniwala ang prank na ito sa tulong mismo ng mga kaibigan at tauhan ni Buboy. Hindi rin magpapahuli ang naging pag-arte ng vlogger upang maging mas makatotohanan pa ang prank na ito kaya naman masasabing talagang pinaghandaan ni Jelai ang prank na ito.

Photo credits: Jelai Andres | Youtube

Talaga rin namang nakakatuwa ang naging reaksyon ni Buboy sa ginawang prank na ito.

Photo credits: Jelai Andres | Youtube

Bukod sa punong-puno ng tawanan ang vlog na ito, mapapansin rin kung papaano ang tunay na turingan ng magkaibigan sa isa’t isa. Dahil dito, talaga namang kinagiliwan rin ang vlog na ito ng mga netizens.

Photo credits: Jelai Andres | Youtube

Ayon nga sa ilang netizens, nakakatuwa na hindi lamang kaibigan kundi parang isang tunay na kapatid ang turing ni Jelai at Buboy sa isa’t isa.

Photo credits: Jelai Andres | Youtube

Photo credits: Jelai Andres | Youtube

Dahil sa good vibes na dala ng vlog na ito, hindi rin makapaghintay ang ibang subscribers ng vlogger para sa mga susunod pang vlogs kasama ang kaniyang malapit na kaibigan. Sa ngayon nga ay mayroon nang 3.1 million views at libo-libong likes ang vlog na ito ni Jelai.

error: Content is protected !!