Connect with us

Entertainment

Buboy Villar, Nagagampanan ang Responsibilidad Bilang Ama sa kanyang mga Anak sa Tulong ng Kanyang Negosyong Paresan ni Bok

Bilang isang uliran at responsableng ama ng kanyang pamilya, ay hindi nawawala sa isip ng aktor na si Buboy Villar ang gampanan ang kanyang responsibilidad. Kaya naman, sa kabila ng kinakaharap na pagsubok sa relasyon nila ng kanyang American wife na si Angillyn Serrano Gorens, at ilang mga isyu ay hindi naging hadlang kay Buboy gumawa ng paraan at dumiskarte para magkaroon ng hanapbuhay upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Malaking hamon rin ang kumita ng pera sa gitna ng pandemya, ngunit para nga sa kapakanan ng kanyang dalawang anak, ay gagawin ni Buboy ang lahat para lamang magampanan niya ang kanyang tungkulin bilang isang mabuti at responsableng ama.

Photo credits: Boboy Villar | IG

Photo credits: Boboy Villar | IG

Photo credits: Boboy Villar | IG

Maliban sa pag-aartisalta, ay naisip nga ni Buboy na magtayo ng negosyong paresan kung saan ay talagang pumatok sa masa. At ang paresan niyang ito, ay napakalaki ng naitutulong sa kanya para mabili niya ang mga pangangailangan ng kanyang mga anak.

Photo credits: Boboy Villar | IG

Hindi lamang ito ang naging paraan ni Buboy para kumita ng pera at maging daan para matugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Dahil nga bukod sa negosyong paresan, ay pinasok na rin ni Buboy ang mundo ng vlogging kung saan ay nagkaroon na rin siya ng sarili niyang YouTube Channel.

Photo credits: Boboy Villar | IG

Sa kanyang mga vlog rin niya prinopromote ang kanyang negosyong paresan. Hindi naman maikakaila na malaki ang naitutulong nito para mas lalong makilala ang kanyang negosyo.

Kahit nga maaga siyang nagkaroon ng responsibilidad ay hindi naman siya pinanghinaan ng loob para patunayan ang kanyang sarili na kayang-kaya niyang harapin ang anumang hamon ng buhay, at responsibilidad na kaakibat ng pagiging isang ama.

Photo credits: Boboy Villar | IG

Samantala, dahil nga marami ang sumusuporta sa kanyang negosyong paresan na tinawag niyang “Paresan ni Bok”, ay ganun na lamang nga ang kanyang pasasalamat dahil patuloy itong tinatangkilik ng publiko.

Photo credits: Boboy Villar | IG

Sa isang Instagram post, ay ipinaabot ni Buboy ang kanyang pasasalamat sa mga taong sumusuporta. Nag-iwan rin siya ng isang mensahe na puno ng inspirasyon, na siyang patunay na anumang pasukin niya, ay kayang-kaya basta’t may sipag at tiyaga.

“Maraming salamat sa mga nag support sa #ParesanNiBok eto ah kahit ano pa man pasukin mo makakaya mo bastat sipag at tyaga lang hindi na kasali dito kung mataas ka man o mababa bastat parehas tayo tao at kaylangan natin mabuhay sa pang araw araw. Alam kong hindi lang eto ang kaya ko.”

Dahil nga sa ipinakitang determinasyon at kasipagan ni Buboy para lamang maibigay ang pangangailangan ng kanyang mga anak, ay hinangaan siya ng mga netizens.

error: Content is protected !!