Connect with us

Entertainment

Broadcast Journalist na si KaTunying, Naging Libangan ang Pagtatanim sa Panahon ng Quarantine, Nagbigay rin ng Kaalaman Tungkol sa Pagtatanim

Napakalaking tulong naman talaga sa ating pamumuhay ang pagtatanim lalo na sa panahon ng krisis. Ngayon nga, ay halos anim na buwan na tayong nananatili sa ating mga tahanan. At ang ilan sa ating mga kababayan ay nawalan ng trabaho na dulot ng pagsasara ng kompanyang pinapasukan dahil sa pandemya. Ngunit sa kabila nito, ay naging madiskarte ang ilan kung saan ay inilaan ang oras sa pagtatanim ng mga gulay.




Napakahalaga naman talaga ng pagkakaroon ng tanim gulay sa ating mga bakuran, upang may mapagkunan sa araw-araw nating pangangailangan.

Ginawa ngang makabuluhan ng broadcast journalist at dating Umagang Kayganda Host na si Anthony Taberna o mas kilala bilang Tunying, ang panananatili sa kanilang tahanan ng anim na buwan sa pamamagitan ng pagtatanim.

Photo credits: Tune In Kay Tunying | Youtube Channel    

Maliban sa pagiging broadcast journalist, ay pinasok na rin ni Tunying ang mundo ng vlogging. Sa vlog nga nitong pinamagatang “Green Minded: T ni Tunying”, tampok ang hilig niya sa pagtatanim.

Photo credits: Tune In Kay Tunying | Youtube Channel

Ang vlog na ito ni Tunying, ay kapupulutan ng aral lalo na ng mga nagnanais ring magkaroon ng garden sa kanilang bakuran. Ipinakita nga ni Tunying ang mga makikitang pananim sa lupang kanyang pinagtamnan ng sari-saring pananim tulad ng papaya, talong, kamias, malunggay at marami pang iba.




Photo credits: Tune In Kay Tunying | Youtube Channel

Ibinahagi rin ng broadcaster kung paano ang paraan ng tamang pagtatanim. Malinaw na ipinaliwanag ni Tunying ang mga kinakailangan sa pagtatanim. Magmula nga s apunla, lupang gagamitin hanggang sa paraan at tamang pwesto ng mga punla sa isa’t isa ay ipinaliwanag ni Tunying. Nagbigay rin ito ng mga tips upang maging malago ang mga pananim.

Photo credits: Tune In Kay Tunying | Youtube Channel

Samantala, ibinahagi rin ni Tunying kung paano ang tamang pagpitas ng mga bunga ng talong. At sa tulong nga ng tatlong babae na tinawag niya upang mamitas, ipinaliwanag niya ang maingat na pag-ani ng bunga ng naturang gulay. Maging ang kung paano malalaman kung maaari na bang pitasin ang talong ay ipinaliwanag rin niya.

Sa huling bahagi naman ng video, ipinaliwanag naman ni Tunying ang maaaring gawin sa matandang puno ng talong upang muli itong mapakinabangan.

Photo credits: Tune In Kay Tunying | Youtube Channel

Talaga nga namang punong-puno ng aral ang vlog ni Tunying tungkol sa pagtatanim. Hindi maikakaila na sa tagal na niyang nagtatanim ng mga gulay, ay marami na siyang kaalaman at karanasan upang magkaroon ng masaganang ani.




Photo credits: Tune In Kay Tunying | Youtube Channel

At sa pamamagitan nga ng kanyang vlog, ay nagagawa niyang makapagbigay kaalaman sa mga taong magsisimula pa lang sa pagtatanim o kaya naman, ay nais dagdagan ang kanilang kaalaman sa pagtatanim ng mga gulay.

error: Content is protected !!