Connect with us

Entertainment

Broadcast Journalist na si Ces Oreña-Drilon, Nakatuon ang Pansin Ngayon sa Farming Matapos Mawalan ng Trabaho Dahil sa Pagsasara ng ABS-CBN

Published

on

Dahil nga sa hindi inaasahang pagsasara ng ABS-CBN matapos hindi aprobahan ng Kongreso na makakuha ng panibagong prangkisa, ay marami ang nawalan ng trabaho. At sa tuluyang pagsasara nito, lahat ng programa ng network ay apektado rin. Kung saan, ay hindi lamang artista ang nawalan ng trabaho, kundi pati na rin ang mga broadcaster na naghahatid ng balita sa publiko.




At isa nga sa mga broadcaster na nawalan ng trabaho ay ang broadcast journalist na si Ces Oreña Drilon. Kilala nga si Ces sa kanyang mahusay na paghahatid ng balita sa publiko ngunit ang dating Bandila news anchor ay natapos ang magandang karera sa pagbabalita dahil sa pagsasara ng kompanya.

Ngunit, sa halip na panghinaan ng loob ay naghanap ng ibang pagtutuunan ng pansin at pagkakaabalahan si Ces. At matapos nga ang anim na araw nang mapabalita ang pagsasara ng network, ibinahagi ng journalist na may bago na siyang pinagkakaabalahan, ito nga ay ang farming.

Photo credits: cesdrilon | Instagram

Noong July 21, sa Instagram ni Ces, ibinahagi niya ang mga larawan kung saan makikita ang malawak na lupain ng Vagabond farm na matatagpuan sa Batangas. Sa naturang post ng journalist, makikita ang iba’t ibang klaseng pananim na nakatanim sa farm katulad na lamang ng malunggay at avocado.

“Farmer Ces at @vagabondfarms. Am really excited to devote more time to farming,” she said. “Photo 1 is me amongst our malunggay trees. We are transferring them to the perimeter fence to plant dayap and avocado. Photo 2 is the tree house behind me. The @shopstylecat head wrap perfect for a day at the farm!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ces Drilon (@cesdrilon) on

Ang bawat larawan nga ay ipinaliwanag ni Ces kung ano ang mga ito. Maging ang kanilang mga ginawa sa farm ay kanya ring ibinahagi.




Ayon naman sa journalist, ang farming umano ang nakatalaga niyang plano matapos nga ang pagkawala ng trabaho sa ABS-CBN. Ito na rin ang tamang panahon upang pagtuunan ang ibang bagay sa buhay para makapagsimulang muli. Hindi naman maikakaila na sa kabila ng nangyari, ay talagang malalim ang pagmamahal niya sa network na naging tahanan niya sa loob ng mahabang panahon.

“Now it’s time to give it more focus as life has once again led me to a new journey. But I will always be #foreverkapamilya

error: Content is protected !!