Connect with us

Entertainment

Bride to be na si Alex Gonzaga, Pinahanga ang Marami sa Kanyang Kagandahan Habang Nakasuot na Wedding Gown

Hindi na lingid sa kaalaman ng marami na ang aktres at vlogger na si Alex Gonzaga, ay engaged na sa kanyang long-time boyfriend na si Mikee Morada. At kamakailan nga, wala pa man ang nakatakdang kasal, ay pinahanga na agad ni Alex ang publiko sa kanyang kagandahan habang nakasuot ng wedding gown.

Photo credits: joeantonio | Instagram

Ika-16 ng Disyembre, araw ng Miyerkules nang ipasilip ni Alex ang kanyang napakagandang larawan habang naka-posing bilang muse para sa bagong bridal collection ng celebrity designer na si Joe San Antonio na “La Grace”.

Samantala, makikita naman sa mga larawang ibinahagi ni Alex at Joe, na talagang napakaganda ng aktres. Tila nga, nasa big day na ng kanyang kasal si Alex dahil napaka-blooming at napakaganda nito. Hindi maikakaila na bagay na bagay sa aktres ang suot na wedding gown. Makikita naman na hindi lang isa kundi tatlong wedding gown ang isinuot ni Alex. Kabilang na nga rito ang kulay puting gown na may napakaganda at eleganteng disenyo.




Sa caption ng post ng designer sa Instagram, ay inilarawan nito kung gaano kaganda si Alex habang suot ang naggagandahang koleksyon, at salitang “purest embodiment” na ang tanging masisilayan ay “grace” na nangangahulugan ng “elegance at goodwill”.

“La Grace was born out of the two essences of the word ‘grace’ – elegance and goodwill. These and the refined values of a classic bride is the La Grace dream, fulfilled by Alex Gonzaga – our muse and the collection’s purest embodimen.”

Photo credits: joeantonio | Instagram

Nagpasalamat naman si Alex dahil naging bahagi siya ng napakagandang bridal collection ng designer na si Joe. Ang mga gawa ng designer ay inilarawan naman ng aktres na “pure elegance”.

“Thank you for making me part of La Grace @joesanantonio! This is pure elegance.”

Photo credits: cathygonzaga| Instagram

Ang 32 taong gulang na aktres na si Alex Gonzaga ay na-engaged sa kanyang apat na taon ng boyfriend na si Mikee Morada noong Enero 2020. Ang nakakakilig na tagpong ito ay naganap sa Hongkong nang magbakasyon ang magkasintahan upang ipagdiwang ang kaarawan ni Alex.




Samantala, tila naman handang-handa nang lumagay sa tahimik ang dalawa. Ito nga ay dahil nitong mga nakaraang araw, ay abala ang mag-fiance sa construction ng kanilang future home. Ngayon pa lang nga, ay talagang pinaghahandaan na ng dalawa ang buhay na kanilang papasokin bilang mag-asawa.

 

error: Content is protected !!