Connect with us

Inspiring

Brenda Mage Proud na Ipinasilip ang Kanyang Dream House sa Cagayan De Oro na Mala-PBB House ang Kulay

Natupad na ang matagal ng pangarap ni Brenda Mage at ito ay ang maipatayo ang kanyang dream house. Sa kanilang probinsya sa Cagayan De Oro, Misamis Oriental ipinatayo ng komedyante at dating housemate ng Pinoy Big Brother ang kanyang dream house. Naging posible nga na matupad ang pangarap niyang ito dahil sa kanyang pagigig isang vlogger, kaya naman ayon kay Brean ang bahay na ito ay katas ng pagiging vlogger niya.

Sa pamamagitan ng isang video sa kanyang social media account ay ipinasilip ni Brenda ang kanyang dream house. Makikita na ito ay isang 2-storey house na nakukulayan ng dilaw, brown at orange. Pagbabahagi ni Brenda ang bahay niyang ito ay inspired sa pinakasikat na bahay sa ating bansa at ito ay ang Pinoy Big Brother house, kung saan siya naging housemates at tumira ng ilang linggo. Saad pa niya, kaagad din niyang pina-blessingan ang bahay niyang ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Brenda Mage (@iambrendamage)

Proud naman na ibinahagi ng komedyante na ang lahat ng ito ay nagsimula lamang sa kanyang pangarap, at dahil sa kanyang naging pagsisikap ay heto na’t nakamit na niyang ipatayo ang kanyang dream house.

“Nag umpisa ang lahat sa pangarap, ngayon nagbunga na ang aking pagsisikap,” masayang pahayag ni Brenda.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Brenda Mage (@iambrendamage)

Dagdag pa at payo niya para sa mga patuloy na nangangarap, “Huwag mong hayaan na ang iyong pangarap ay manatiling pangarap lang. Tagumpay ang plano!”

Samantala, ngayon na matagumpay ng naipatayo ni Brenda ang kanyang pangarap na bahay, ay ibinahagi naman niya na ang susunod niyang plano ay ang magpagawa ng basketball at volleyball court sa kanilang lugar para masiyahan at may paglibangan hindi lamang silang magpamilya kundi maging ang kanyang mga kapitbahay.

“Ang next project ko basketball [court] and volleyball court para naman sa mga kapitbahay at kamag-anak ko na mahilig sa sports na alam kong gusto talaga nila dahil ako mismo during my childhood, player din ako ng basketball. Magandang function din ‘tong laro para maiwas sa mga masasamang bisyo,” pagbabahagi pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Brenda Mage (@iambrendamage)

Ayon din kay Brenda plano din niya na ipaayos ang bahay ng kanyang in ana katabi lamang ng kanyang ipinagawang bahay. Sa ngayon umano, ay ito ang kanyang pinag-iipunan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Brenda Mage (@iambrendamage)

Si Brenda Mage o sa tunay na buhay ay kilala bilang si Bryan Roy Tagaro ay isa sa mga naging celebrity housemate ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10. Siya ay nakasama sa final 5 ng celebrity edition ng nasabing reality show. Nagdesisyon si Brenda na iwanan ang mundo ng showbiz dahil sa hindi niya kaya ang mga intriga. Matatandaan na isa sa mga kinaharap niyang intriga noon ay ng magkaroon sila ng feud ng aktres na si Alexa Ilacad noong sila ay parehong nasa loob ng Pinoy Big Brother house.

error: Content is protected !!