Connect with us

Lifestyle

‘Break na?’: Long-time Boyfriend ni Rabiya Mateo na si Neil Salvacion, Binura sa Instagram ang mga Larawan nilang Magkasama

Mainit na usap-usapan ngayon ang isyu sa relasyon ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo at kanyang long-time boyfriend sa loob ng anim na taon na si Neil Salvacion.

Maraming tagahanga ni Rabiya ang nagtatanong kung hiwalay na nga ba ang dalawa, matapos mapansin ng mga mapanuring mata ng mga netizens na wala na sa Instagram account ni Neil ang mga larawan nila ni Rabiya.

Isa sa mga post at larawan nilang dalawa na nawala sa IG ni Neil ay ang post kung saan binati niya ang kasintahang si Rabiya noong nagdiwang ito ng kaarawan noong November 2020. Matatandaan na napaka-sweet ng mensaheng ipinaabot noon ni Neil kay Rabiya kung saan sinabi nito na “being proud is an understatement”. Ito nga ay tumutukoy kung gaano siya kaproud sa nakamit na tagumpay ni Rabiya sa tinatahak nitong landas, lalo na nga’t si Rabiya ang kinatawan ng Pilipinas upang ipambato sa Miss Universe.

Sa nasabing post rin ay ipinaabot ni Neil ang kanyang pagsuporta, at pagmamahal sa kanyang kasintahan.

“I know you’ll use the influence you have to spread kindness and optimism to whoever you’ll meet along the way. Stay phenomenal, my love. I love you”.

Matapos mapansin ng mga netizens ang pagkawala o tila binurang mga larawan ng magkasintahan sa IG ni Neil, ay agad na inulan ng samu’t saring espekulasyon, mga tanong man o komento mula sa mga tagahanga ni Rabiya sa latest post nito kung saan makikita ang larawan ng sunset. Marami ang nagtatanong kung break na nga ba ang mga ito. May ilang netizens naman ang nalungkot, kung sakali umanong break na nga sila.

“Kuya bat deleted napo mga Pics nyo ni ate rabs break Napo ba kayo? Sana dipa.”

“Kuyaa as a fan. Marami po kaming malulungkot sa inyo ni Ate Rab if wala na. [crying emoji] I know theres a great things ahead to the both of u. Pakatatag po!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neil John Fel (@neilow)

Isang fan account naman ni Rabiya ang pinagaan ang sitwasyon kung saan ay nanatiling positibo at sinabi na:

“Guys, they still follow each other. Lalaban yan sila sa hamon ng buhay. They are meant for each other.”

Sa ngayon, ay wala pang pahayag pareho sina Rabiya at Neil, at nananatiling tahimik kaugnay sa isyu. Nasa US parin ngayon si Rabiya upang magbakasyon matapos ang kanyang laban sa 69th Miss Universe, kung saan ay nakapasok siya sa Top 21.

Matatandaan naman na unang ipinakilala ni Rabiya si Neil sa publiko matapos magwaging Miss Universe Philippines noong nakaraang taon, buwan ng Nobyembre. Sinabi ni Rabiya na si Neil ang kanyang first boyfriend, at sila’y anim na taon nang magkarelasyon. Nangako rin si Rabiya sa kanyang nobyo, na hindi umano niya ito iiwan kahit siya pa ang manalo sa kompetisyon. Minsan na ring ibinahagi ni Rabiya ang kanyang labis na pagmamahal at pagiging commited sa kanyang nobyo, sa kabila ng magandang oportunidad na naghihintay sa kanyang karera.

“He made me promise not to leave him even if I win the Miss Universe Philippines crown. I have a video stating that! He made me do that.”

“We will make sure to work things out. If it’s true love, it will never end.”

error: Content is protected !!