Connect with us

Entertainment

Boyfriend ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Nagbahagi ng Sweet Photos nilang Magkasintahan sa kanilang Greece Trip

Isa nga si Pia Wurtzbach sa masasabing nagbigay ng karangalan sa ating bansa. Ito nga ay matapos niyang makamit ang titulo ng Miss Universe noong 2015. Pinatunayan nga ni Pia, na pagdating sa “beauty and brain” na labanan ay hindi magpapahuli ang mga Pilipino.

Ngunit, bago pa man niya maisuot ang korona ng Miss Universe ay hindi naging madali ang mga pinagdaanan ng beauty queen. Sa katunayan nito, ay 3 beses siyang sumali sa Binibining Pilipinas na siyang magiging daan upang makasali sa prestihiyosong patimpalak ng Miss Universe. Dahil nga malaki ang pagnanais niya, ay hindi siya sumukong maabot ang pangarap. At sa pangatlong pagkakataon nga, ay matagumpay niyang nasungkit ang titulo ng Binibining Pilipinas noong 2015. Hanggang sa tuluyan na nga niyang makamit ang korono ng Miss Universe noong 2015.




Hindi nga maikakaila na tinatamasa na ngayon ni Pia ang tagumpay na bunga ng kanyang pagsisikap. At kasabay naman ng tinatamasa niyang tagumpay ay ang masaya at makulay niyang love life. Napakapalad ni Pia dahil natagpuan niya ang isang tunay na pag-ibig sa katauhan ng kanyang nobyong si Jeremy Jauncey na founder at CEO ng creative agency na “Beautiful Destinations”.

Photo credits: Jeremyjauncey | Instagram

Magkabilang dako man ang lugar na kanilang kinaroroonan ay hindi ito naging hadlang upang magkasama sila. Si Jeremy ay nakabase sa Estados Unidos samantalang si Pia naman ay nasa London. Dahil nga, mahal na mahal ni Jeremy si Pia, ay lumilipad pa ito patungong London makasama lamang ang kasintahan.

Photo credits: Pia Wurtzbach| Instagram

Kamakailan nga, ay muli na namang kinilig ang kanilang mga tagahanga matapos magbahagi ni Jeremy ng mga sweet photos nila ni Pia habang nagbabakasyon sa Greece. Ito nga ay kuha sa isang luxury resort sa Canaves Oia na matatagpuan sa Santorini. Ayon naman sa ilang ulat, ay sa naturang lugar umano nagdiwang ng ika-36th birthday si Jeremy kasama si Pia.




Photo credits: Pia Wurtzbach| Instagram

Hindi naman maikakaila na talagang bagay na bagay sila sa isa’t isa, maraming netizens nga ang sang-ayon rito. Bukod nga sa parehong maganda at gwapo, ay magkatulad rin ang kanilang adbokasiya na kung saan ay pareho silang ambassasor ng “World Wide Fund for Nature”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jeremy Jauncey (@jeremyjauncey) on

Bukod rito, ay pareho rin nilang hilig ang pagtatravel sa magagandang lugar, kaya naman magkasundong-magkasundo silang dalawa. Sa nakikita ngang magandang relasyon ng magkasintahan, ay marami na ang nag-aabang sa plano nilang pagpapakasal. Maririnig na kaya natin ng “wedding bells” para sa kanilang kasal?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jeremy Jauncey (@jeremyjauncey) on

error: Content is protected !!