Connect with us

Lifestyle

Bongga! Jinkee Pacquiao, Fashionista Pa Rin Sa Kanyang Mga “Pantulog Outfits” Na May Makalaglag-pangang Presyo

Published

on

Sino nga ba ang hindi hahanga sa tagumpay na narating ni Manny Pacquiao? Na dahil sa kanyang pagpupursirgi sa larangan ng boksing ay nabigyan niya ng maayos at magandang buhay ang kanyang pamilya. At ngayon nga, isa ang pamilya Pacquiao sa hinahangaan ng publiko bilang isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa.




Samantala, ngayong panahon ng quarantine, maraming artista ang hindi makalabas ng bahay, kung kaya’t ang ginagawa nilang runway upang umawra at ipakita ang kanilang OOTD ay ang kanilang living room. Kung ang ilang celebrity ay gumawa ng kanilang orihinal na version ng activewear at beachwear upang kanilang maging fashionable “pambahay”, may natatangi namang celebrity na talagang ang taste of fashion ay mahahalintulad sa standard ni Blair Waldorf na kayang-kayang magkaroon ng sariling designer loungewear.

Ang may bahay nga ni Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao, ay hindi magpapahuli sa mga celebrities na umawra at ipakita ang kanyang kahanga-hangang taste of fashion ngayong panahon ng quarantine. Isa na rin si Jinkee sa mga hinahangaan ngayon ng publiko pagdating sa fashion na talagang makalaglag-panga ang mga presyo ng kanyang mga kasuotang isinusuot sa araw-araw.

At ngayon nga, muli na namang pinahanga ni Jinkee ang publiko dahil sa kanyang pagiging fashionista. Ngunit, hindi pang OOTD ang kanyang ibinahagi ngayon kundi ang kanyang mga “pantulog outfits”. Ngunit, hindi lamang ito basta pantulog dahil ang mga ito ay talagang mamahalin at mga kilalang brands pa. Pinatunayan nga ni Jinkee na kahit pagdating sa kanyang pantulog outfit ay nananatili pa rin ang kanyang pagiging fashionista.

Sa kanyang Instagram Account, ibinahagi niya ang kanyang latest sartorial venture: luxury pajamas.
Ibinahagi nga ni Jinkee ang kanyang mga “pantulog” outfits mula sa mga kilalang designer brands na talagang may nakakalulang presyo. Makikita sa larawan na naka-awra si Jinkee sa kusina ng kanilang tahanan habang suot isang Gucci Pajama set at nakasuot naman ng sandals na Chanel brand. At ang outfit ngang ito ni Jinkee ay talagang hinangaan ng mga netizens, ang kanyang “pambahay leak” ngayong panahon ng quarantine.




Noong Mayo 7 nang kanyang ibahagi kanyang larawan habang ang suot ang “Gucci Invite stamp pajama-style silk shirt and trousers”. At ayon sa website ng Hypebae, hindi biro ang halaga ng pajama shirt na ito dahil nagkakahalaga umano ito ng $2,500 o P126,000 samantalang ang halaga naman ng suot niyang trouser ay umabot ng $1,300 o nagkakahalaga ng P65,000.

Ngunit, hindi lamang pala ito ang “pantulog outfit” ni Jinkee, dahil matapos lamang ang ilang oras ng kanyang post, may panibagong post na naman si Jinkee kung saan ibinahagi niya ang iba namang “pantulog outfit”. Sa pagkakataong ito, mula naman sa mamahaling brand ng Louis Vuitton ang suot niyang “pantulog outfit”.

Ito nga ay isang Louis Vuitton Catogram Motif Printed Pyjama Top And Pant. Ayon sa shoptag.com, ang presyo ng pant ay tumataginting na $1730 o halaga ng P87,000, samantalang ang top naman nito ay may makalaglag-pangang halaga na $1870 o P94,000.




Wow! Ang bongga di ba? Pajama set pa lang, nakakalula na ang presyo. Hindi maikakaila na talagang napakayaman ng pamilya Pacquiao. At talagang pinatunayan ni Jinkee na pagdating sa fashion ay hindi siya magpapahuli sa ibang celebrity.

error: Content is protected !!