Connect with us

Entertainment

Bongga! Bahay Ni John Estrada Sa Cavite, Nakakalula Sa Laki At Mapapa-Sana All Ka Sa Ganda

Published

on

Si John Estrada ay isang kilalang aktor sa industriya ng showbiz sa bansa. Marami na siyang ginampanang karakter mapa-pelikula man o teleserye, at ilan nga sa mga role niya ay ang pagiging leading man. Hindi rin maikakaila na kanyang pinapahalagahan at inilalagay sa tama ang bawat perang kanyang kinikita mula sa trabaho.




Tunay nga na masayang namumuhay ang aktor na si John Estrada sa piling ng asawang si Priscilla Meirelles kasama ang kanilang anak na si Anechka. Ngunit, lingid sa kaalaman ng lahat, hindi lang basta-bastang bahay ang inilaan ni John Estrada para sa kanyang pamilya, kundi isang napakagandang tahanan na talagang angkop sa kanyang perpektong pamilya.

Labis ngang ipinagmamalaki ni John Estrada ang bahay na bunga ng kanyang pawis at dugo. Ibinahagi niya ang larawan ng napakagandang bahay sa Instagram at hinangaan ito ng mga netizens. Dahil sa kanyang pagsusumikap sa buhay upang maabot ang hinahangad na pangarap, hindi lamang para sa sarili kundi, pangarap na binuo niya para sa kanyang pamilya, ay kanyang napagtagumpayan ang pag-abot sa pangarap na minimithi.

Ang napakagandang pag-aari nga na ito ni John ay matatagpuan sa Dasmariñas, Cavite. Talagang kahanga-hanga ang bahay na ito na maging ang mga netizens ay napukaw ang atensyon nang masilayan sa ibinahagi niyang larawan ng kanyang bedroom kung saan matatanaw ang napakagandang tanawin.




   




Bagama’t, hindi ito ang unang pagkakataong ibinahagi ng aktor ang larawan ng kanyang napakagandang tahanan sa madla, tiyak na ang sinumang makakakita nito ay mapapasambit na lang ng #SanaAll. Sadyang nakakalula sa laki ang kanyang tahanan, at masasabi na malaking halaga ang kanyang nagastos sa pagpapagawa nito.

Bukod sa swimming pool nito na tila nag-aanyaya sa sinumang makakita na lumangoy at magbabad sa paliligo, ay may sarili rin itong golf course upang kanyang pagkaabalahan sa kanyang mga bakanteng oras.

Ngunit, ang higit namang maganda sa bahay niyang ito ay ang lokasyon nito. Dahil malayo ito sa Metro Manila kung saan makakaligtaan niya ang maingay na buhay sa lungsod at kanya namang mararanasan ang masaya at tahimik na buhay sa probinsiya. Bukod rito, magagawa rin niya ang mga bagay na naisin niya anumang oras.




Samantala, ang mga anak niya naman kay Janice de Belen na sina Moira, Kaila at Yuan ay maaaring magtungo anumang oras sa napakagandang bahay ni John upang makabonding ang ama.

error: Content is protected !!