Connect with us

Entertainment

Bongga! Aktres Na Si Kiray Celis, Sinurpresa Ang Kanyang Nobyo Noong Valentine’s Day

Kadalasan, tuwing araw ng mga puso ang binibigyan ng regalo at pinapasaya ay ang mga kababaihan. At ang mga kalalakihan naman ang nag-iisip ng paraan upang mapasaya ang mga babaeng kanilang minamahal para maiparamdam ang pagmamahal sa mga ito.

Photo Credit: Kiray Celis Instagram




Ngunit ang nakagawiang paraan na ito ng karamihan sa pagpapasaya sa mga minamahal ay ginawang kakaiba ng aktres na si Kiray Celis dahil ngayong Valentine’s day ay siya naman ang magbibigay ng surpresa at saya sa kanyang nobyong si Stephan Estopia.

Photo Credit: Kiray Celis Instagram

Photo Credit: Kiray Celis Instagram

Sa Instagram ng aktres na si Kiray, ibinahagi niya ang ilang mga larawan na kuha sa naganap na pagsurpresa niya sa kanyang mahal na nobyo. Makikita na hindi lang bastang paghahanda ang ginawa ng aktres dahil talagang napakaganda ng ayos ng lahat, magmula sa venue, pagkain at maging regalo ay talagang pinag-isipang mabuti ni Kiray. Ayon kay Kiray, naniniwala umano siya na hindi lamang para sa babae ang Valentine’s day kundi para rin sa mga lalaki na deserved ang pagmamahal ng isang babae.




Photo Credit: Kiray Celis Instagram

“Sinong may sabi na babae lang ang deserve at puwedeng i-surprise? Hindi lang para sa aming mga babae ang Valentine’s, para sa inyo ring mga lalaki. Happy, happy Valentine’s/happy, happy monthsary, @stephan.estopia! I love you very, very much!”

Aniya.

Sadyang napakaganda at bongga ng surpresa ni Kiray sa kanyang nobyo, na inakala nito na magpo-propose na ito sa kanya.

Photo Credit: Kiray Celis Instagram




Photo Credit: Kiray Celis Instagram

“Thank you sa family and friends na nag-surprise sa akin, lalo na sa pinakamamahal ko na si @kiraycelis. Hindi ko talaga in-expect na may pag-surprise ka sa akin. Kaya pala pinagbihis mo ako, may plano ka pala,” wika ni Stephan, sabay biro na, “Akala ko proposal na e hahahahaha!”

“Pero thank you sobra, Mommy, sa pagmamahal mo sa akin,” pagpapatuloy ni Stephan. “Sa effort na ginagawa mo, sa lahat lahat.”

Photo Credit: Kiray Celis Instagram




Hindi naman nagpatalo si Stephan sa espesyal na araw na ito dahil bago pa man maganap ang pagsurpresa ni Kiray kay Stephan ay nauna na nitong pasayahin ang aktres sa pamamagitan ng pagregalo ng isang magandang bouquet ng teddy bear at cake na may disenyong teddy bear din.

error: Content is protected !!