Connect with us

Inspiring

Binata Buong Dalawang Buwan na Nagpadyak ng Kanyang Pedicab Mula Bukidnon Patungong Manila Para Ihingi ng Tulong kay Tulfo ang Lola Niyang may Iniindang Karamdaman

Para sa isang taong mahal mo at mahalaga sa iyong buhay, ano ang sakripisyong kaya mong gawin upang sila’y matulungan sa oras ng kanilang pangangailangan? Kaya mo bang magpadyak ng napakalayo, katulad ng ginawa ng isang lalaki na literal na nagpadyak ng kanyang pedicab magmula sa probinsya nila sa Bukidnon patungo sa lungsod ng Maynila, para lamang personal na ihingi ng tulong ang Lola niyang may iniindang karamdaman.

Kung ating iisipin ay tila napaka-imposible naman na magpadyak mula Bukidnon patungong Maynila, dahil tunay na hindi biro ang layo ng nito. Ngunit ang bagay na ito na tila imposible ay naging posible sa lalaking si Niel Jay Matunding, kung saan nagawa niyang makarating sa Maynila sakay lamang ng kanyang pedicab na kanyang pinapadyak.

Photo credits: Raffy Tulfo in Action | Youtube

Sa layo ng Bukidnon sa Maynila ay inabot ng 59 na araw si Neil sa pagpapadyak sa kalsada, ngunit ano nga ba ang dahilan niya para magtiis magpadyak ng ganoon katagal?

Ayon sa ulat, naging determinado si Neil na magpadyak mula Bukidnon patungong Maynila dahil sa kagustuhan niyang makausap si Senator Raffy Tulfo para ihingi dito ng tulong ang pinakamamahal niyang lola na sa kasalukyan ay may iniindang karamdaman. Hindi naman nabigo si Neil, dahil kamakailan lamang ay nai-feature siya sa isang episode ng program ani Sen. Raffy na Raffy Tulfo in Action.

Photo credits: Raffy Tulfo in Action | Youtube

Pagbabahagi ni Neil sa naturang programa ang kanyang lola na si Lola Leonie ang nagpalaki at nag-aruga sa kanya. Noon umano ay isa itong mananahi, ngunit ng ito ay tumanda na at hindi na makapagtahi ay kinailangan na lamang nito na manlimos sa kalye para may maipambili lamang ng makakain.

Photo credits: Raffy Tulfo in Action | Youtube

Kuwento pa niya, ngayon ay nasa 86-taong gulang na ang kanyang lola at ito ay mayroon ng iniindang karamdaman, at bilang isang nagmamahal sa lola niya, lahat ay talagang ginagawa niya upang matulungan ito para gumaling ito sa karamdamang iniinda nito.

“Siya na po ang nagpalaki sa akin kasi po pinabayaan na po ako ng mama ko”, kuwento ni Neil.

Nang makapanayam pa sa progaramang Raffy Tulfo in Action si Neil ay ibinahagi din ni Neil ang naging paglalakbay niya mula Bukidnon patungong Maynila makarating lamang nga kay Sen. Raffy. Saad pa niya, sa kanyang paglalakbay ay tanging Php700 lamang ang pera niya, at malaki ang pasasalamat niya sa mga taong nagpakita ng kabutihan at tumulong sa kanya habang siya ay naglalakbay.

Photo credits: Raffy Tulfo in Action | Youtube

Sa nasabing panayam din ay ipinaabot ni Neil kung anong mga tulong ang kinakailangan niya para sa kanyang lola, kung saan kinakailangan umano ng lola niya ng mga gamot, pagkain at maayos na matutuluyan. Dagdag pa ni Neil, taong 2019 pa niya pinaplano ang makapunta sa nasabing programa ngunit wala nga siyang masakyan ng mga panahon na ‘yon, kaya naman malaki ang pasasalamat niya sa taong nagbigay sa kanya ng bisikleta na naging daan para makapunta siya sa programa at makahingi ng tulong kay Sen. Raffy.

“Nagplano na po ako noon 2019 kung paano po ako makapunta dito sa inyo. Kaya nagpa-salamat po ako dahil may nagbigay sa akin ng bisikleta” ang naging saad ni Neil kay Sen. Raffy.

Kahit naman napakahaba ng naging pagpadyak at paglalakbay ni Neil sa kalsada, sulit na sulit naman ito, dahil nakausap niya si Sen. Raffy at nangako ito sa kanya na tutulungan nito ang kanyang lola sa pinansyal at maging sa pagkakaroon nito ng maayos na matitirhan.

Photo credits: Raffy Tulfo in Action | Youtube

Maliban pa sa matatanggap na assistance ng lola ni Neil mura kay Sen. Raffy, ay ipinangako din ng senator sa binata na tutulungan niya ito na makabalik sa pag-aaral ito ay dahil bumilib siya sa kabutihan at pagiging mapagmahal nito sa lolang nag-aruga sa kanya.

Nabanggit din ni Sen. Raffy Tulfo na bibilhan niya ng bagong bisekleta ang binatang si Neil.

error: Content is protected !!