Connect with us

Entertainment

Bimby Aquino, Pinayagan ang Kanyang Inang si Kris Aquino na Muling Mag-asawa Ngunit May Tatlong Kondisyon

Ang mag-inang Kris Aquino at Bimby Aquino ay sumalang sa Q&A vlog, kung saan ay pinayagan ni Bimby na muling mag-asawa ang kanyang ina. Ngunit, mangyayari lamang ito base sa kundisyong ibibigay ng binatilyo.

Kalakip ng video ng Q&A vlog, ay caption ng post ni Kris kung saan sinabi niya na hindi niya inurungan ang mga katanungan ng kanyang 14 taong gulang na anak dahil alam niya na kilalang-kilala siya nito. Proud naman si Kris para sa anak dahil nga mas matalino at mas malawak umano ang pang-unawa nito kaysa sa kanya noong nasa ganung edad pa lamang siya.

“He asked, i answered. What can I say? I said LAHAT sasagutin, kaya walang inurungan my 14-year old knows me inside out in my birthday card to him I said – he has already given me way too much LOVE, SUPPORT, TRUST, and UNDERSTANDING. Kaya ngayon, it’s time for him to experience ‘regular’ and ‘normal’ to the best that I can give him. Tomorrow he answers my questions, I am so PROUD, mas matalino, mas matatag, mas malawak ang pagunawa ng bunso ko kumpara sa mama nya when I was his age, and even now in many ways, he really is the BETTER me!”

At ang katanungan ni Bimby na talagang matapang na sinagot ng Queen of All Media, ay kung may plano ba itong mag-asawang muli.

“Do you see yourself getting married in the future?”,tanong ni Bimby.

“Are you allowing me to get married?”,sagot ni Kris.

Hindi naman nagdalawang isip na sumagot si Bimby, kung saan ay sinabi nitong pinapayagan niya ang kanyang inang maikasal muli at makatagpo ng taong makakasama habang buhay. Ngunit, kapag ang lalaki nga raw ay may sariling pera.

Tila naman nag-alangan si Kris sa sinabi ng anak. Kaya naman, ipinaliwanag ni Kris na hindi madali ang makatagpo ng lalaking kanyang mamahalin na mas marami pang pera sa kanya. Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami kung gaano kayaman si Kris, lalo na nga ngayon na marami siyang investments at mga properties.

“You do realize Bimb na it’s very hard to have money like what’s your mama’s earned, so please don’t have an expectation. Hindi sa nagyayabang tayo, ha? We’re just being realistic. Your mama started working when she was 15 and in fairness your mama has made good investments. So, I don’t think it’s realistic to expect him (future husband).”

Ngunit, agad namang dumepensa si Bimby, at nagbigay ng tatlong kundisyon. Una nga, ay hindi naman umano ito magnanakaw.

“Ito lang as long as he doesn’t try to steal!”,saad ni Bimby.

Pangalawa, ay dapat hindi rin raw nito sasaktan ang kanyang ina. At pangatlo, ay dapat rin raw ay hindi nito sisigawan ang kanyang ina.

“And as long as he doesn’t yell or hit you kasi if he does, I’ll stab him in the neck.”

Dahil nga dito, ay natatawa na lamang si Kris sa anak. Bigla na rin siyang napatanong kung payag ba itong mag-asawa ulit.

“Yes, but those three things lang, no stealing, no hitting and no shouting”,agad namang sagot ni Bimby.

Ngunit, maliban dito ay may idinagdag pa si Bimby. Ayon nga rito, ay dapat rin raw na matutunan ng future husband ng kanyang ina ang rules of Kris.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)

“And he needs to learn the rules of Kris. Be sweet, be kind, always say she’s beautiful (natawa ang mama niya), don’t insult her, don’t insult the family (kasama ang mga kaibigan at kapatid), and if she has like weird quirks you just accept it and take them into your own ‘coz you love her so much and if she wants you to stay with her and make lambing, you do it ‘coz you love her, and if she ask you to get water hot water, make sure it’s 2/3 and 1/3, make sure to feed her good food, and this is the most important rule, love-love-love, don’t be makulit.”

Natatawa naman si Kris sa mga pinagsasabi ni Bimby sa kanya. Kaya nanan, ipinaliwanag ng Queen of All Media, na sana nga ay matanggap ng kanyang magiging future husband ang mga kondisyong ito. Ngunit, mas malaki ang chance raw na mahanap nila ang lalaking ito kung sa abroad sila maninirahan.

“I hope that he can accept that when he marries me the package deal, not you (Bimb) because you’re easy, it’s easy. I just really hope that whoever he is he knows na people will have always have an opinion. And I hope he has strong enough backbone that he can take it. But if not, that’s why I said maybe we can live abroad because that can stand a chance, sana,”mahabang pahayag ni Kris.

error: Content is protected !!