Connect with us

Inspiring

Bilyonaryong Co-founder ng Duty Free, Naisakatuparan na ang Pangarap na Maipamahagi ang kanyang $8 Bilyong Kayamanan

Ang buhay sa mundong ating ginagalawan ay sadyang mapaglaro. Dahil may mga taong nagsusumikap sa buhay upang maging mayaman at gumanda ang buhay. Ngunit, may mga tao namang mayaman na nais maging simple at payak lamang ang pamumuhay.




Katulad na lamang ng bilyonaryong co-founder ng duty free na si Chuck Feeney, na matapos yumaman at maging bilyonaryo, ay nagpasya na mamuhay na lamang ng payak. Ito nga ay matapos niyang mabigyang katuparan ang kanyang misyon at pangarap na ipamahagi ang kanyang $8 bilyong kayamanan.

Photo credits: google.com

Makalipas ang apat na dekada, ay natupad na ang kanyang misyon. Sa ilalim ng prinsipyong ‘Giving While Living’, ipinangako ni Feeney na uubusin niya ang lahat ng kanyang pera at pinagpaguran sa loob ng maraming taon bago pa man siya tuluyang mawala sa mundo.

Photo credits: google.com

At nitong September 14 lamang, ay opisyal na ang pagiging mahirap ni Feeny, matapos maipamahagi ang kahuli-hulihan niyang cheke. Ayon naman sa ulat ng Forbes, ang nakinabang sa kayamanan ni Feeny ay mga charities sa iba’t ibang dako ng mundo. Karamihan nga sa nabigyan ng biyaya ni Feeny ang mga charitable institutions sa Ireland, ang lugar kung saan siya isinilang. At kanya itong isinagawa sa tulong ng kanyang foundation na Atlantic Philanthropies.

Samantala, hindi tulad ng ibang pilantropo ay mas pinili ni Feeny na gawing tahimik ang kanyang misyon. At kamakailan lamang nang malaman ng Forbes at The New York Times ang kanyang kahanga-hangang ginawa na maging ang ilang bilyonarto ay hinangaan rin ang kanyang kabutihang loob tulad nina Bill Gates at Warren Buffet.

“Chuck has set an example. It’s a real honor to talk about a fellow who is my hero and Bill Gates’ hero. He should be everybody’s hero,”

minsan ay nabanggit ni Warren Buffet sa paglulunsad ng ‘The Giving Pledge’ nila ni Gates noong 2010.




Hindi rin tumatanggap ng anumang parangal si Feeny bilang isang pilantropo. Mas nais niya kasi ang tumulong kaysa sumikat at hindi siya humihingi ng anumang kapalit. At bilang isang anonymous donor ay nais niyang makatulong.

Photo credits: google.com

Ayon pa sa Forbes, ang lahat ng $8B kayamanan ng 89 gulang na pilantropo ay naipamahagi na. $3.7 billion ang napunta sa edukasyon, $1-B sa kaniyang alma mater, Cornell at mahigit $870 million sa human rights at social change. Para nama sa kalusugan ay nagbigay rin siya ng $700 milyon kabilang na ang $270 million grant para maayos ang public healthcare system sa Vietnam at $176 million sa Global Brain Health Institute.

$350 milyon naman ang napunta sa Cornell para sa pagpapatayo ng technology campus sa Roosevelt Island. Ito ang kanyang huling donasyon. At nitong Lunes rin, ay pinirmahan na niya ang dokumento sa pagsasara ng kanyang foundation.

At matapos maipamahagi ang lahat ng kayamanan at isara ang foundation, ngayon nga ay naninirahan na lamang siya ng simple kasama ang kanyang asawa sa isang apartment sa San Francisno. Naglaan naman siya ng mahigit-kumulang na $2-M para sa kanilang retirement.

Photo credits: google.com 

Masaya naman niyang ibinahagi na wala siyang pinagsisihan at masaya na nagawa niyang isakatuparan ang misyon bago siya mawala sa mundo. Pinasalamatan rin niya ang mga sumuporta sa kanyang misyon.

“We learned a lot. We would do some things differently, but I am very satisfied. I feel very good about completing this on my watch. My thanks to all who joined us on this journey. And to those wondering about Giving While Living: Try it, you’ll like it.”

error: Content is protected !!