Connect with us

Entertainment

Billy Crawford at Coleen Garcia, Ibinahagi ang mga Adorable at Super Cute Photo ng Baby nila na si Baby Amari

Ang mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia, ay isa sa hinahangaang celebrity couple sa industriya ng showbiz. Dahil nga sa kanilang labis na pagmamahal sa isa’t isa, ay nauwi ang kanilang pagkakaibigan sa isang tunay at wagas na pagmamahalan. At noong April 2018 nga, ay naganap ang kanilang pag-iisang dibdib sa Balesin Island kung saan nasaksihan ng kanilang pamilya at mga kaibigan ang isang engrandeng kasalan na puno ng pagmamahalan.

Hindi naman nagtagal ay biniyayaan ang kanilang pagsasama ng isang napakacute na baby boy na pinangalanan nilang Amari. Isang biyaya na nagpabago ng kanilang buhay at hindi matutumbasan ng anumang halaga.
Isang tunay na “happiness” nga ang hatid ng napakacute na anak ng celebrity couple na sina Billy Crawford at Coleen Garcia na si Baby Amari sa kanilang pamilya. Magmula nang isilang ni Mommy Coleen ang cute and adorable baby boy na si Baby Amari noong nakaraang Setyembre 10, ay mas lalong naging masaya at makulay ang kanilang pagsasama.




Hindi naman maitatanggi na talagang proud na proud ang celebrity couple sa kanilang munting anghel. Nito lamang ika-3 ng Nobyembre, ay proud na ibinahagi ng mag-asawa sa kanilang Instagram account ang nag-uumapaw na kacutan ni Baby Amari.

Ito nga ang new born pictorial na isinakatuparan ng Stork Studio, kung saan, lumutang sa mga kahanga-hangang larawan ang taglay na kacutan ng 2 months old na si Baby Amari.

“COMPLETELY OBSESSED,”saad sa post ni Coleen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen) on

Si Daddy Billy naman naglagay ng caption na

“CUTENESS OVERLOAD!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford) on

Ang mga tagahanga nga nina Billy at Coleen ay hindi napigilang humanga sa napakacute na si Baby Amari matapos masilayan ang mga larawan nito. Maging ang mga kaibigan sa showbiz ng celebrity couple ay humanga rin sa napakacute at maamong mukha ni Baby Amari. Kabilang na nga rito sina Gary Valenciano, Luis Manzano, Ria Atayde, Maxene Magalona, Isabelle Daza, Karen Davila, at Sofia Andres.




 

View this post on Instagram

 

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford) on

Noong Marso unang inanunsiyo ng mag-asawa ang nalalapit nilang pagiging magulang sa kanilang panganay na anak. Mas pinili naman ni Coleen na isilang ang kanilang panganak na si Baby Amari sa loob ng kanilang tahanan sa pamamagitan ng water birth delivery.

error: Content is protected !!