Connect with us

Stories

Biko Business ng Mag-Asawang Gelli De Belen at Ariel Rivera, Patok na Patok Ngayon sa Canada

Talagang mabenta na ngayon sa ibang bansa ang mga produktong Pinoy. Tinatangkilik ito hindi lamang ng mga Pilipino kundi pati na rin ng ibang mga banyaga. Dahil dito, maging ang celebrity couple na sina Gelli de Belen at Ariel Rivera ay nagbukas na rin ng kanilang negosyo sa Canada kung saan nagbebenta sila ng kilalang kakanin na biko.

Photo credits: Gelli de Belen-Rivera | IG

Kwento ni Gelli sa kaniyang YouTube vlog, mula ang negosyong ito sa ideya ng kanilang dalawang anak na sina Joaqui at Julio. Orihinal na recipe umano ito ng tatay ni Ariel at matagal na rin itong natutunan nina Joaqui at Julio kaya naman naisip nilang ibenta ito sa kanilang mga kapwa Pilipino sa Canada. Dahil dito, binuksan na nga nila ang Lolo Ben’s Biko.

Ibinebenta nila ang kanilang bestseller na biko sa halagang $18 samantalang ang kanilang espesyal na biko naman na mayroong kasamang langka ay maaaring mabili sa halagang $20. Sulit na sulit naman ang ibinabayad ng kanilang mga customers dahil ipinagmamalaking ibinahagi ni Ariel na talagang de kalidad na mga sangkap ang kanilang ginagamit.

Dagdag pa rito, talagang pinaglalaanan din ng oras ng kanilang pamilya ang paggawa at pagbebenta ng kanilang produktong biko. Sila mismo ang nagluluto ng mga ito at sila rin ang nagbebenta ng kanilang mga produkto sa social media. Dahil dito, masasabi na talagang hands-on ang kanilang pamilya sa munting online food business na ito.

Biro naman ng mga anak ni Gelli at Ariel, nagpupursige silang magbenta ng mga biko dahil sa kanilang pinansyal na pangangailangan bilang mga estudyante sa kolehiyo.

Photo credits: Gelli de Belen-Rivera | Youtube

Ayon naman kay Julio na siyang interesado sa mga negosyo, nakakatuwa umano ang pagbebenta ng mga biko dahil nakikita nilang nagugustuhan din ito ng mga tao. Dahil dito, lalong ipinagmamalaki ni Joaqui ang kanilang negosyo lalo na at mula ito sa recipe ng kanilang lolo. Dagdag pa ni Julio,

“I love how they enjoy and really like our biko. It’s like an extension of Lolo’s legacy. That’s really fulfilling.”

Dahil sa pagiging proud at hands-on ng kanilang buong pamilya sa biko business na ito, maraming viewers ng vlog ang humanga sa kanila. Makikita raw na talagang masisipag ang dalawang anak ni Gelli at Ariel.

Bukod sa kanila, pinuri din ng mga netizens sina Ariel at Gelli dahil tinuturuan na nila ang kanilang mga anak kung paano kumita ng pera. Napapansin din daw ng mga viewers na proud ang mag-asawa sa kanilang mga anak kaya naman siguradong proud din ang kanilang pinakamamahal na lolo.

error: Content is protected !!