Connect with us

Entertainment

Bikini Photos ni Elha Nympha na Kuha sa  Bolinao Pangasinan, Hinangaan ng mga Netizens sa Social Media

Ang pagkakaroon ng magandang pangangatawan ay isa sa mga nakakapagbigay sa tao ng pagtitiwala sa kanilang sarili. Lalo na kung ang mga taong ito ay nagtatanghal sa telebisyon at entablado. Dahil sa pamamagitan nito, hinding hindi sila mahihiyang ipakita sa buong mundo ang kanilang sarili. Ngunit ang pagbabago ay sadyang kailangan ng tao upang maging mas karapat-dapat sa lahat ng aspeto ng buhay.




Naalala niyo pa ba si Elha Nympha? Ang nagwagi “The Voice Kids noong 2015”, at tinawag siyang “Big Shot Belter ng Pilipinas” dahil sa kanyang angking kagalingan sa pagkanta nang siya ay nagtanghal dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. Si Elha ay nagdadalaga na, sa edad na 16 na taong gulang na siya at siya ay mukhang nasa ika-18 taong gulang na dalaga kung siya ay pagmamasdan.

Si Elha ay nagbakasyon sa Bolinao, Pangasinan kung saan kuha ang litrato niyang siya ay nakasuot ng itim na swimsuit. Maraming namangha sa kanyang litrato, dahil kitang-kita ang hubog ng kanyang pangangatawan. Pinuri siya ng kanyang mga tagahanga dahil sa nakitang malaking pagbabago sa kanya, ibang-iba na siya sa dati niyang pangangatawan. Nagkaroon na rin ng pagbabago kung paano niya ipakita ang kanyang sarili.




Noong Hulyo lamang nang gulatin ni Elha ang kanyang mga tagahanga sa naging payat niyang pangangatawan. Ayon sa kanya, nagsimula siyang magpapayat noong buwan ng Marso at ibinahagi niya ang kanyang naging layunin kung bakit siya nagbawas ng timbang. Dagdag pa niya, hindi niya namalayan na sobrang nagbawas na siya ng timbang at hanggang ngayon nagda-diet pa rin siya. Sinasabayan niya ng pag-eehersisyo ang kanyang pagda-diet.


Sa puntong iyon, gusto lang niya na magkaroon ng pagbabago sa kanyang sarili upang maging kaaya-aya sa mata ng lahat ng tao. Sa kabilang banda, hindi naman ganoon kahalaga ang pisikal na kaanyuan, mas mahalaga pa rin ang talentong kaya niyang ipakita at ibahagi sa buong madla.

error: Content is protected !!