Bidyo Tungkol sa Tamang Pagbubukas ng Lata Viral ngayon

Naimbento ang mga can opener o abrelata upang lubos na mapadali ang buhay ng mga tao sa pang araw araw. Dinisenyo ito upang makapagbukas ng mga lata gaya na lamang ng mga sardinas, corned beef, meat at beef loaf, liver spread, fruit cocktail, condesada, gatas at iba pa. Ito ngayon ay sikat sapagkat madali itong gamitin at talaga namang kapaki-pakinabang.

Nakakatuwang sa panahon na ito’y unang inilahad sa mga tao’y , marami-rami rin di umano ang nahirapan sa paggamit nito. Ang salik na ito marahil ay ang pagkasanay ng tao sa tradisyunal na pagbubukas ng mga lata gamit ang kutsilyo na lubos nating alam na delikado at maaaring makasugat kung hindi mag-iingat.


Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit naisipang imbentuhin ang mga abrelata upang mabawasan ang panganib na dulot ng pagbubukas ng matatalim at maaaring makasugat na mga lata.

Sa kumakalat ng bidyo sa ngayon, mayroong isang Youtube user ang naglahad ng tamang pagbubukas umano ng lata gamit ang abrelata.

Marahil ang karamihan ay alam na ang gamit ng abrelata sa pinakamadaling paraan an ang paglalagay ng abrelata sa dulo ng lata sa kahit anumang bahagi ng bilugang arko nito at tsaka aaktong iuumang ito paikot at pahilig para mabuksan ang itaas na bahagi ng lata.

Ito ang iniisip ng karamihan na pinakamadali at pinakatamang paraan sa paggamit ng abrelata, ngunit ayon sa kumakalat na bidyo ngayon ay ang gayong paraan ay sinasabing mali.

Makikita sa bidyo na inihiga ng palatag ang abrelata at isinipit sa gilid ang matalim nitong pambukas. Matapos gawin ang proseso ay isinunod ng Youtube user na inikot ang hawakan ng abrelata at makikitang bumukas na agad ito.


Napakadali kung iisipin at ikakagulat na mali ang paggamit ng abrelata sa tradisyunal na pamamaraan at maging ang pahilig na paghawak ay mali rin kung tutuusin sapagkat makikita sa bidyo na pahiga ang posisyon ng abrelata.

Maririnig din sa bidyo ang pagsasalita ng isang tao na “It makes so much more sense to hold it flat than to vertically try to attach it,” na nangangahulugang ayon sa kanya, mas madali ang proseso na kanilang itinatampok kaysa sa nakasanayan ng karamihan na pagbubukas ng lata sa pag-ikot ng abrelata sa patayong pahilig na pamamaraan sa kadahilanang sa madali kung nasa isang patag na pwesto ang lata kaysa buksan ito ng patayo.

Kung susuriin ang bidyo, napakadali lang ito para sa Youtube user na gawin ang pagbubukas ng lata gamit ang kanyang pamamaraan, subalit marami ang namangha at hindi makapaniwala sapagkat ito’y salungat sa nakasanayan o sa kanilang kaalaman na akala nila’y tama sapagkat gayon ang prosesong kinalakhan nila sa mahabang panahon.

Marami ang umalma at nagbigay ng reaksyon. Marami ang nagtatanong kung sinu-sino pa sa iba’t ibang panig ng mundo ang maaaring may alam sa paraang ito.


Gusto nilang maliwanagan kung totoo ngang ito ang pinakamadaling paraang ng paggamit ng abrelata o kung may iba pang pamamaraan na mas madali pa sa nakalahad sa kumakalat ng bidyong yaon.

Ikaw ba ay isa sa mga nakakaalam ng tamang pamamaraan ng paggamit ng abrelata?

Tunghayan ang video dito: