Connect with us

Entertainment

Bianca Umali, Isa Nang Ganap na Rehistradong Botante Matapos Pumila ng Halos 13 Na Oras Para Makapagparehistro

Nito lamang ika-30 ng Setyembre ay huling araw na ng pagpaparehistro para makaboto sa darating na 2020 elections. Kaya naman, maraming mga mamamayan ang sinuong ang mahabang pila at maagang pumila para makahabol sa pagpaparehistro para maging ganap na botante.

Credits: Bianca Umali | IG

Kabilang na nga rito ang mga sikat na artista sa industriya ng showbiz, na hindi pinalampas ang pagkakataon na makapagparehistro para gampanan ang kanilang tungkulin at karapatan na bumoto at mailuklok sa pwesto ang karapat-dapat na pinuno.

At nito lamang ika-27 ng Setyembre, ay isa ang aktres na si Bianca Umali sa mga humabol at nagparehistro para makaboto sa darating na eleksyon. Sa Instagram nito lamang Lunes, ay ibinahagi ng Kapuso actress ang boomerang videos kung saan makikita ang kanyang “inked thumbs” at sinundan naman ito ng mga litrato na kuha naman nang siyang magparehistro.

Credits: Bianca Umali | IG

Ayon naman sa caption ng post ni Bianca, ay nakapila na siya alas tres pa lang ng madaling araw. At dahil nga sa haba ng pila at dami ng nagpaparehistro ay inabot siya ng alas kuwatro ng hapon, at gumugol nga ng 13 na oras para matapos ang buong proseso. Sulit naman ang paghihintay at pagod ni Bianca sa kabila ng mahabang pila dahil ngayon nga ay isa na siyang rehistradong botante.

Credits: Bianca Umali | IG

“Mula alas tres ng umaga, na nagsimula ang araw namin, hanggang alas quatro ng hapon na natapos namin ang lahat lahat – sa wakas, isa na akong ganap na rehistradong botante. Ang sarap sa puso.”

Sa kanyang post, ay pinaalalahanan rin ni Bianca ang kanyang mga kababayan na karapatan at responsibilidad ng bawat Pilipino ang bumoto. Ayon pa sa aktres, ang pagboto tuwing eleksyon ay pagpapakita ng pakikilahok para sa magandang kinabukasan ng bansa at sambayanang Pilipino.

Credits: Bianca Umali | IG

“Ang pagboto natin tuwing eleksyon ay nagpapakita ng ating pakikilahok sa paghangad ng magandang kinabukasan hindi lamang para sa ating mga sarili, kundi para sa buong bansa.”

“Ito ay ating karapatan at kailangang gampanan. Tungkulin at pananagutan natin ito bilang mga Pilipino.”

Makikita naman sa mga ibinahaging larawan ni Bianca na kasama niyang nagparehistro ang kanyang pinsan na si Samantha kung saan ay ipinagmamalaki rin ng aktres dahil sa pagkukusa nitong magparehistro.

Credits: Bianca Umali | IG

Samantala, sa huling bahagi ng post ni Bianca ay hinikayat rin niya ang iba pang mamamayan na gawin ang kanilang tungkulin at karapatan na bumoto.

“Sama-sama nating mahalin ang Pilipinas, bumoto tayo!”  #RegisteredViter [sic], #ParaSaPilipinas and #PHElections2022.”

Maliban kay Bianca ay nauna nang napabalita ang pagpaparehistro ng Kapuso actress na si Barbie Forteza para makaboto sa darating na eleksyon na kung saan 4AM pa lang ay nakapila na para magparehistro.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bianca Umali (@bianxa)

error: Content is protected !!