Connect with us

Entertainment

Bianca Gonzalez Kasama ang Kanyang Pamilya, Nakalipat na sa Bago Nilang Bahay

Isang magandang balita ang hatid ng TV host na si Bianca Gonzalez sa publiko matapos makamit ang bagong achievement sa buhay ng kanilang pamilya.

Credit: Bianca Gonzales | Instagram

Para nga sa lumalaking pamilya ng mag-asawang Bianca Gonzalez at dating PBA player na si JC Intal, ay nagpagawa sila ng isang bagong bahay na magsisilbi nilang tahanan kung saan sama-samang bubuo ng masasayang alaala at sama-samang tutuparin ang mga pangarap ng kanilang pamilya.

At nito lamang ika-4 ng Hunyo ay masayang ibinalita ni Bianca sa Instagram na sila ng kanyang pamilya ay nakalipat na sa kanilang bagong bahay.

Sa Instagram ay ibinahagi ni Bianca ang larawan ng kanilang pamilya kasama ang kanilang dalawang anak ni JC na sina Lucia, limang taong gulang at Carmen na dalawang taong gulang. Ang masayang larawan ng kanilang pamilya na kuha sa kanilang bagong tahanan ay nilakipan ni Bianca ng caption na:

Credit: Bianca Gonzales | Instagram

“Finally HOME! Beyond grateful.”

Matapos naman maibahagi ang bagong milestone ng kanilang pamilya sa publiko, ay bumuhos ang pagbati mula sa kanyang mga kaibigan sa showbiz.

“Congratulations! I’m sure you will make beautiful memories,”komento ni Charo Santos.

“Awwww so happy for you B  love you!” saad ni Karen Davila.

Credit: Bianca Gonzales | Instagram

Samantala, bilang pagsisimula naman ng kanilang bagong buhay sa bago nilang pamilya, ay nagkaroon naman sila mass at virtual mass blessing sa loob ng kanilang tahanan noong nakaraang Biyernes.

Noong ika-30 ng Mayo ay ipinagdiwang ng mag-asawa ang kanilang bagong bahay na biyaya na kanilang natanggap. Sa Instagram, ay nagpost si JC kung saan ibinahagi niya ang sweet photo nila ni Bianca habang nakaupo sa hagdan ng kanilang bahay.

“We did it @iamsuperbianca!”

Credit: Bianca Gonzales | Instagram

Nagpasalamat naman si Bianca sa kanyang asawang si JC sa ginawa nitong pagpapaganda sa kanilang bagong bahay, lalo na sa pagbibigay ng disenyo upang mapaganda ang kanilang bagong bahay.

“Appreciation post for my husband who has been attending to everything needed for the house. From finishing to sourcing to installing lights to hanging art, pagbabarena at pagiging kargador, and all the sakit ng ulo that comes with construction, thank you, Mahal @jcintal7.”

Credit: Bianca Gonzales | Instagram

Ang 38 taong gulang na si Bianca ay isang kilalang TV host at modelo. Noong March 2014 nang maengaged siya kay JC Intal, kung saan nauwi naman sa kasalan noong December 2014 na ginanap sa El Nido, Palawan. At noong October 23, 2015 ay isinilang na nga ni Bianca ang kanilang panganay na anak na si Lucia.

error: Content is protected !!