Connect with us

Entertainment

Beteranong Aktor na si Piolo Pascual, Higit pa sa Isang Pagiging Personal Assistant ang Turing Niya kay Yaya Moi

Published

on

Hindi naman talaga maikakaila ang taglay na magandang katangian ng aktor na si Piolo Pascual. Magmula nga sa kanyang magandang tindig, matikas na pangangatawan at gwapong mukha ay talagang hinahangaan at kinakikiligan ng mga kababaihan. Maging pagdating sa pag-arte sa mga pelikula ay kahanga-hanga rin ang angking husay ng aktor.




At sa pelikula nga niyang “Dreamboy” kung saan nakatambalan niya ang aktres na si Bea Alonzo ay mas lalo pa siyang nakilala ng publiko. Sa pelikulang ito, pinatunayan nga ni Piolo na siya ang nag-iisang Mr.Dreamboy na talaga namang minahal ng kanyang mga tagahanga. Malayo na nga ang narating na tagumpay ni Papa P sa industriya ng showbiz, at sa kabila ng tinatamasa niyang tagumpay ay may isang taong hindi nagsasawang sumuporta sa kanyang karera, maging sa personal niyang buhay.

Sa hirap ng pagsubok at tamis ng tagumpay ay kasama ni Piolo ang kanyang personal assistant na si Yaya Moi. Sa pagsisimula pa lang ng karera ni Papa P sa showbiz ay kasama na niya si Yaya Moi, at ngayon nga ay halos dalawang dekada na nilang na-eenjoy ang bawat isa nang magkasama. Kaya naman, hindi lang basta personal assistant ang turing ng aktor sa kanyang Yaya Moi kundi ay parang kapamilya narin. Sa katunayan nga nito, ay sobrang malapit at komportable na sila sa isa’t isa at higit sa lahat ay kilala na nila ang personalidad ng bawat isa. Maging ang anak ni Piolo na si Iñigo ay naging malapit na rin kay Yaya Moi.




Sa loob naman ng dalawang dekada, ay naging napakasipag, loyal at mapagmahal ni Yaya Moi kay Piolo at sa anak nitong si Iñigo. Kaya naman, bilang ganti ng aktor sa kabutihan nito at pag-aalaga sa kanila, tinatamasa ngayon ni Yaya Moi ang maayos na buhay. Lahat nga ng maaaring ipagkaloob ni Piolo kay Yaya Moi ay ibinigay niya. Ngunit, ang higit na kahanga-hanga rito ay ang pagpasok ni Yaya Moi sa showbiz na talagang sinuportahan ng buong-buo ng aktor. Pinamalas na rin ni Yaya Moi ang kanyang talento sa pag-arte nang maging kabilang siya sa casts ng “Kimmy Dora Trilogy” at “The Mommy Return” noong 2012.

Ngunit, sa kabila ng magandang karera ni Yaya Moi, nananatili pa rin siyang tapat kay Piolo bilang personal assistant nito. At hindi rin ito nagkukulang pagdating sa mga gawaing bahay at pag-aalaga sa aktor. Marami nga sa mga tagahanga ni Piolo ang naiinggit kay Yaya Moi dahil bukod sa nakakasama nito ang aktor sa loob ng mahabang panahon, ay tinatamasa rin nito ang mga magagandang benepisyo at oportunidad na hindi basta-basta naibibigay ng mga amo sa kanilang yaya.




Talaga namang napakapalad ni Piolo sa pagkakaroon ng isang mapagmahal at loyal na yaya gaya ni Yaya Moi. Ngunit, higit namang mapalad si Yaya Moi dahil pamilya na ang turing sa kanya ng aktor at tinatamasa na niya ngayon ang magandang buhay.

error: Content is protected !!