Connect with us

Entertainment

Beteranong Aktor na Si Joko Diaz, Isang Mapagmahal na Asawa at Ama sa Kanyang Pamilya sa Totoong Buhay

Noong dekada 90 ay masasabi natin na ang mga napapanood natin na palabas sa telebisyon ay talaga namang tumatatak sa maraming mga manonod. Maliban kasi sa mga magagandang istorya ng mga palabas noon, ay talaga namang nakabibilib din ang mga palabas na mayroong mga bakbakan, kung saan ay napaka-astig talagang panoorin.

Photo Credits: Joko Diaz| IG

Isa sa mga pinakamadalas nating napapanood sa ating telebisyon noon sa mga ma-aksyon na palabas ay ang batikang aktor na si Joko Diaz. Tunay na nakabibilib ang kanyang husay at mga galawan sa pelikula, idagdag pa ang kanyang angking kakisigan.

Photo Credits: Joko Diaz| IG

Dahil sa ipinapamalas niyang galing sa pag-arte, mapabida man o kontrabida, ay maituturing nga na sa kanyang kapanahunan ay isa sa Joko sa mga pinakamahuhusay na aktor. Ang madalas ngang nagiging karakter ni Joko sa mga pelikula o serye na kanyang kinabilangan ay ‘bad boy’ o mga astiging karakter na sumasabak sa mga bakbakan.

Photo Credits: Joko Diaz| IG

Photo Credits: Joko Diaz| IG

Samantala, ang nakikita nga nating pagkatao ni Joko sa kanyang mga karakter sa pelikula ay salungat naman sa totoo niyang pagkatao sa tunay na buhay. Kung sa telebisyo nga ay nakilala natin bilang ‘bad boy’ si Joko, sa tunay na buhay naman ay taglay niya ang personalidad ng isang mapagmahal, malambing at responsableng asawa at ama sa kanyang mga anak.

Photo Credits: Joko Diaz| IG

Kahit naman nasa mundo ng showbiz, at may taglay na kahanga-hangang kagwapuhan si Joko na nakaka-agaw din ng pansin sa maraming mga kababaihan, ay nakakabilib ang kanyang pagiging isang ‘one woman man’, na sa panahon ngayon ay tunay ngang bihira na tayong makatagpo.

Photo Credits: Joko Diaz| IG

Sa kabila nga ng ang tingin ng marami kay Joko noon ay isang playboy dahil sa kanyang datingan sa telebisyon, ay pinatunayan naman niyang loyal siya at tanging ang kanyang kabiyak lamang ang babaeng minamahal niya sa kanyang buhay. Patunay lamang nito, ay ang masaya at pananatiling matatag ang kanilang pagsasama ng kanyang asawa, kung saan sila nga ay nasa 19-taon ng nagsasama bilang mag-asawa.

Photo Credits: Joko Diaz| IG

Si Joko at ang kanyang misis nga ay nabiyayaan naman ng dalawang anak, at para nga sa aktor, ang kanyang pamilya ang nagisisilbi niyang kayamanan at kasiyahan sa buhay.

Photo Credits: Joko Diaz| IG

Kitang-kita naman sa mga larawan na madalas na ibahagi ni Joko sa kanyang social media account ang maganda at masaya niyang pamilya, lalo na’t madalas nga silang magkaroon ng family bonding. Makikita rin na isang supportive wife ang misis ni Joko na si Abigail, dahil sa social media account nito ay ipino-promote niya ang mga proyekto ng kanyang asawang aktor.

error: Content is protected !!