Connect with us

Entertainment

Beteranong Actor na si Jetoni Alarcon Supportado ang Anak sa Pagpasok sa Showbiz

Published

on

Sa pagpasok ni Angela Alarcon sa mundo ng showbiz ibinahagi niya sa publiko na pinayuhan siya ng kanyang amang si Jestoni Alarcon, na dapat paghandaan niya ang kakaharaping karera sa propesyong pinili niya.



Ayon kay Angela, sinabihan siya ng ama na kung nais niya na magtagumpay at makapanatili sa ilaw ng pinilakang tabing ay kailangan niyang mag-focus at huwag panghinaan ng loob sa mga kakaharaping kritisismo dahil ang mga ganitong bagay ay talagang hindi maiiwasan.

Sa pagsunod sa yapak ng kanyang ama, naging kakampi niya sa panibagong yugto ng kanyang buhay ang kanyang pamilya, kung saan ibinahagi ni Angela na labis-labis ang tuwa ng pamilya niya para sa kanya at maasahan niya palagi ang kanilang suporta anuman ang mangyari.

Inamin din ng batang aktres na sinabihan siya ng kanyang ama na huwag siyang magpa-apekto sa mga sinasabi ng mga tao, na magpokus siya, gawin yung mga simpleng bagay katulad ng sa mga lines niya na iwasan magkamali dahil sa konting pagkakamali niya maraming sasabihin agad.

Bukod pa dito na dapat matutunan niya kung paanu ihandle ang criticism na maririnig, “Sinasabi niya na people may say things about you and pwede akong masaktan when I enter showbiz, but just always focus on your goal and don’t let them affect you” dagdag pa ni Angela.

Marami naman ang humanga kay Angela dahil bukod sa angking ganda at talento, siya rin ay nakapagtapos ng pag-aaral, sa University of the Philipines saan grumaduate siya bilang “Cum Laude”. Kahit nga noong nag-aaral pa siya ay nagawa na ring bumida ni Angela sa ilang mga short films at music video.



Makakasabay ni Angela sa pagpapasok sa makulay na mundo ng showbiz ang mga kapwa batang artists na sina Jon Lucas, Erin Ocampo at Ysabel Ortaga na pumirma rin ng isang “management contract” para sa Kapuso GMA Network.

Sa ngayon makikita natin si Angela pinakabagong action drama series ng GMA na , “Beautiful Justice” kung saan gaganap siya bilang Chloe matalik na kaibigan ni Brie, na gaganapan naman ni Gabbi Garcia. Ang New Primetime Show na “Beautiful Justice” sa pangkalahatan ay maraming sorpresa at pasabog, maganda ang hatid na mensahe at higit sa lahat punong-puno ng aksiyon.

error: Content is protected !!