Connect with us

Entertainment

Beteranang Aktres na si Eula Valdez, Pinabilib ang mga Netizens Matapos Ipakita ang Pagmamaneho ng Kanyang Big Bike sa Gitna ng Highway

Marami ang pinahanga ng beteranang na si Eula Valdez kamakailan matapos ibahagi sa social media ang matapang niyang pagsakay at pagmaneho ng kanyang big bike habang binabaybay ang highway na puno ng napakaraming sasakyan.

Credits: Eula Valdez | Instagram

Ibinahagi ng 52 taong gulang na aktres sa kanyang social media, ang mga kuha ng mga larawan ng kanyang biyahe sakay ng kanyang big bike habang nasa gitna ng highway. Ang napakagandang motorsiklo ni Eula ay isang expressway-legal Honda CB650R na mat 649cc engine na kayang-kaya magpatakbo sa bilis na aabot ng 200 kph.

Sa isang Facebook post, ay ibinahagi naman ni Eula ang kanyang paghanga sa mga delivery riders. Alam naman ng marami ang ginagawang pagsisikap at kasipagan ng mga delivery riders sa kanilang trabaho na mai-deliver ang bawat items ng ligtas sa kanilang destinasyon. Maliban naman sa peligrong kaakibat ng kanilang trabaho, ay isa ring suliranan ng mga riders sa biyahe ay ang maintinding init na nararanasan sa gitna ng kalsada.

Credits: Eula Valdez | Instagram

Kaya naman, ganun na lamang nga ang paghanga ng aktres na si Eula Valdez sa mga delivery riders dahil siya mismo, ay nararanasan rin ito sa tuwing sakay ng kanyang big bike habang nasa gitna ng highway. Sa kanyang post, ay pinaalalahanan rin ni Eula ang mga riders na maging hydrated upang maibsan ang matinding init ng panahon.

“Bilib ako sa mga delivery riders natin na whole day nasa kalsada, wow! Imention ko lang sa init na na experience ko kahapon, na nakihingi ako ng water sa Sucat toll gate nung kumukuha ako ng RFID, maraming salamat po. Hindi biro trabajo ninyo! Pwede kang mag pass out sa tindi ng init ng araw! Ingat po tayo at mag baon ng tubig! Humihilik daw ako kagabi. Nakakapagod kase.”

Credits: Eula Valdez | Instagram

Matatandaan na nauna nang ibahagi ni Eula ang larawan ng kanyang magarang motorsiklo noong nakaraang Mayo 11. Kahanga-hanga naman talaga ang aktres sa ipinakita nitong katapangan sa pagmamaneho ng big bike sa gitna ng highway sa kabila ng peligrong makakasalubong sa daan, dahilan nga upang mapabilib niya ang maraming netizens.

Credits: Eula Valdez | Instagram

Si Eula Valdez ay isa sa hinahangaan at tinitingalang aktres sa industriya ng showbiz. Siya ay itinuturing na primyadong aktres na talaga namang hahangaan ang husay sa pag-arte, lalo na bilang isang kontrabida. Sa ngayon, ay mapapanood si Eula sa Kapamilya teleserye na “Huwag Kang Mangamba”.

error: Content is protected !!