Connect with us

Entertainment

Beteranang Aktres na si Coney Reyes, Ibinahagi ang Growing Up Photos ng Anak na si Mayor Vico Sotto Para sa Pagdiriwang ng Ika-31st Birthday nito

Published

on

Ang komedyante at host ng Eat Bulaga na si Bossing Vic Sotto ay taglay ang magandang katangian ng isang tunay na lalaki na nagpapakilig sa mga kababaihan. Walang duda na marami siyang babaeng napaibig at ilan nga sa mga ito ay nakarelasyon niya at nagkaanak pa.




Isa na nga sa mga umibig sa komedyante ang beteranang aktres na si Coney Reyes. Nagsimula ang pag-iibigan nina Bossing Vic at aktres na si Coney Reyes nang maging bahagi ng Eat Bulaga ang aktres bilang host. Hindi nga nagtagal ang kanilang pagmamahalan ay nagbunga. Ang naging bunga nga ng kanilang pagmamahalan ay isang napakagwapo at napakabuting tao na si Vico Sotto.

Ipinanganak si Vico Sotto noong June 17, 1989 na talaga namang mababakas na nagmana sa mga magulang ang magandang lahi. Bagama’t, nagkahiwalay ang mga magulang, lumaki namang mabuting tao si Vico. At ngayon nga, ay isa na siyang matagumpay na Mayor ng Pasig na talagang ipinapamalas ang kabutihang loob sa kanyang nasasakupan. Maaasahan at madiskarteng Mayor si Mayor Vico pagdating sa pamamahala sa kanilang lugar, hindi maikakaila na mahal na mahal siya ng mga mamamayan ng Pasig.

Ngunit, hindi rin naman matatawaran ang pagmamahal sa kanya ng inang si Coney Reyes. Kamakailan lamang, ay nagdiwang ng kanyang ika-31st Birthday si Mayor Vico. At upang ipakita ang pagmamahal sa anak, binati niya ito sa Instagram sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga growing up photos ni Mayor Vico.




“Happy Birthday photos 6-17-2020 ️ ️ ️ @vicosotto Happy Birthday!!! 🥰 I will always be here praying for you, helping you in any and every way I can. I love you so much, son! I praise and thank God for you everyday. “May He give you the desire of your heart and make all your plans succeed. We will shout for joy when you are victorious and will lift up our banners in the name of our God. May the Lord grant all your requests.” – Psalm 20:4-5️”

Makikita rin na walang makakapantay sa relasyon ng mag-ina sa pagiging malapit ng mga ito sa isa’t isa. Sa mga larawang ibinahagi ng aktres, makikita ang pagbabago sa katauhan ni Mayor Vico magmula sa pagiging cute na bata hanggang sa ito’y maging ganap nang binata. Sinamahan na rin ito ng aktres ng larawan nilang dalawa na kuha naman sa kasalukuyang panahon.

Samantala, nakakaantig naman ang laman ng mensahe ni Coney para sa kaarawan ng anak na nilakipan pa niya ng isang Bible verse. Bilang pasasalamat naman, ang tanging hiling lang ng Mayor ng Pasig sa kanyang kaarawan, sa halip na magkaroon ng regalo at pagdiriwang, nais niya na magbigay na lamang ng donasyong pagkain ang mga tao sa mga naapektuhan ng krisis na dulot ng COVID-19.

error: Content is protected !!