Connect with us

Entertainment

Bernadette Allyson at Garry Estrada Ipinasilip ang isa sa kanilang Dream Project ang Kanilang Future Farmville

Taong 1996 nang unang magkita at magkasama sa trabaho ang mag-asawa na ngayong sina Gary Estrada at Bernadette Allyson sa set ng pelikulang “Ikaw Naman Ang Iiyak”. Dahil sa kanilang pagkakamabutihan, ay tuluyan nang nauwi sa kasal ang kanilang relasyon. At ngayon nga, ay 19 taon nang masayang nagsasama sina Gary at Bernadette kung saan biniyayaan ang kanilang pagmamahalan ng tatlong magagandang anak, sina Garielle Bernice, Garianna Beatrice at Gianna Bettina.




At ngayong panahon ng quarantine, ay kasalukuyang namamalagi ang mag-asawang Gary at Bernadette sa probinsya ng Quezon kasama ang kanilang mga anak. Talaga namang nag-eenjoy ang celebrity couple sa kanilang masaya at tahimik na pamumuhay sa kanilang tahanan sa San Antonio, Quezon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bernadette Allyson-Estrada (@bernadetteallyson_e) on

Sa Instagram kamakailan nang ipasilip ni Bernadette ang kanilang simple at tahimik na pamumuhay sa probinsiya. At ngayong quarantine nga, ay mas lalo pang nagkaroon ng bonding moments ang kanilang pamilya. Isa sa kanilang naging moments ay ang pagtutulungan sa mga gawaing bahay, pag-eehersisyo at paglalaro ng sports na talaga namang makikita na nag-eenjoy ang bawat isa.
Samantala, maliban naman sa simple ngunit masayang pamumuhay ng kanilang pamilya sa probinsya, ipinasilip rin ni Bernadette ang kanilang napakalawak na farm. Sa pamamagitan isang post sa Instagram, ay sinabi ng dating aktres na malapit na umanong matapos ang kanilang munting “farmville”.

“Our own little “farmville” will soon be a reality. #slowlybutsurely #smallsteadyprogress Lord kayo na po bahala”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bernadette Allyson-Estrada (@bernadetteallyson_e) on

Dahil nga, ang naturang lupa na pagmamay-ari ng mag-asawa ay sadyang napakalawak, kaya naman, naisipan nila itong gawing farmland nang sa gayon ay mapakinabangan at mataniman ng kung anu-anong produkto na makakatulong rin sa kanilang pamumuhay.




Samantala, nagbahagi rin si Gary ng isang video sa Instagram, kung saan masisilayan ang ganda at lawak ng farm na ngayon nga ay mais ang naisip nilang itanim. Nilakipan naman ito ng dating aktor ng caption na:

“Our future corn field”, saad ni Gary sa kanyang post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gary Estrada (@garyejercito) on

Bumuhos naman mula sa mga netizens ang mga positibong komento patungkol sa kanilang simpleng pamumuhay at napakalawak na farm. Ang mga ito nga ay masayang-masaya para sa kanilang maligayang pamumuhay ngayon sa probinsya ng Quezon.

“Kaka miss ang Quezon! Congrats Ganda and Pogifren! GOd Bless you more! Hugs hugs”

“Ganda naman couple power stay safe God bless”

Sarap buhay probinsiya. God bless sa inyo”

“Ang ganda ng lugar… macopa po b un bunga ninyo”

“Good luck & all the best Berns & Gary! Miss you guys”

Si Bernadette Allyson ay pangalawang asawa na si Gary Estrada. Matatandaan na unang ikinasal si Gary sa dating aktres na si Cheska Diaz kung saan nagbunga ito ng isang lalaking anak, siya nga si Kiko Estrada na isa na ring sikat na aktor sa Kapuso Network.

error: Content is protected !!