Connect with us

Entertainment

Bela Padilla, Proud na Ipinakilala sa Publiko ang Lalaking Nagpapatibok Ngayon ng Kanyang Puso

Ang aktres na si Bela Padilla ay isa sa hinahangaan at tinitingalaang artista sa industriya ng showbiz dahil na rin sa kanyang angking kagandahan at husay sa pag-arte. Dahil nga sa katangiang ito ng aktres, hindi nakapagtataka na maraming lalaki ang nahumaling at umibig sa kanya. Bagay naman na mas lalong nagbibigay inspirasyon sa aktres upang mamuhay ng masaya.

Matatandaan nga na isa sa nakarelasyon ng 29 taong gulang na aktres na si Bela ay ang film producer na si Neil Arce. Hindi naman nagtagal ang relasyon ng dalawa at nauwi rin ito sa hiwalayan. Ngayon nga, ay nakatagpo na si Neil ng bagong pag-ibig sa aktres na si Angel Locsin na kung saan ay engaged na sa isa’t isa at nalalapit na ring ikasal.




Matapos naman makarelasyon si Neil Arce, ay nalink rin si Bela sa aktor na si Zanjoe Marudo ngunit, kailanman ay hindi umamin ang dalawa sa estado ng kanilang tunay na relasyon.

At nito lamang ika-6 ng Oktubre, ay proud na ipinakilala ng aktres ang kanyang bagong boyfriend na nagpapatibok ng kanyang puso at nagbibigay kulay sa buhay niya ngayon. Sa Instagram ay ibinahagi ni Bela ang mga larawan na kuha sa bakasyon niya sa Cappadocia, Turkey kung saan kasama niya ang isang lalaki. Ang lalaki ngang ito, ay ang new boufriend ng aktres na nagngangalang si Norman Ben Bay, isang foreigner na nakilala ng aktres sa St. Gallen sa Switzerland nang gumawa siya ng pelikulang “Meet Me In St. Gallen” noong 2018.

Nilakipan naman ni Bela ng nakakakilig na caption ang kanyang post ng:

“The One I Met in St. Gallen”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bela Padilla (@bela) on

Makikita naman sa palitan ng komento ng dalawa ang kanilang ka-sweetan. Sa komento nga ni Norman sa post ni Bela, ay buong pagmamalaki nitong inihayag ang pag-ibig sa aktres.

“Hi, love,”

komento ni Norman.

Sa hiwalay na komento naman, ay sinabi pa nito na “Mahal kita” na sinamahan pa ng isang kiss emoji. Kilig “overload” nga ang hatid ng dalawa mga followers ni Bela sa social media.

Noong Oktubre 5 naman, nagsimulang pag-usapan si Bela at misteryosong lalaki matapos magpost ang aktres sa kanyang Instagram ng kanyang larawan habang nasa bakasyon sa Turkey.




At ang mahabang mensahe na puno ng detalye patungkol sa napakagandang lugar ng Cappadocia, ay inihahandog niya sa kanyang kasintahan na si Norman. Na ayon kay Bela, ay talagang naenjoy niya ang kanyang bakasyon sa naturang lugar.

Samantala, nagkomento naman si Norman sa post na ito ni Bela at sinabi:

“You are truly a professional when it comes to captions.”
“You truly are a professional at making me smile,”

sagot naman ni Bela sa komento ng nobyo.

error: Content is protected !!