Connect with us

Entertainment

Bela Padilla, Masayang-Masaya sa Muling Pagkikita Nila ng Kanyang Swiss Boyfriend na si Norman Ben Bay sa Italy

Masayang ibinahagi ng Kapamilya actress na si Bela Padilla na matapos ang ilang buwang hindi nakikita at nakakasama ang isa’t isa, ay muli niyang nakapiling ang kanyang Swiss boyfriend na si Norman Ben Bay sa Italy.

Sa Instagram, ay ibinahagi ni Bela ang mga larawan na kuha sa kanilang pamamasyal sa Italy nito lamang weekend. At masisilayan nga sa mga larawan ang masayang ngiti ng magkasintahan habang namamasyal sa Piazza del Duomo sa Florence.

Makikita naman na talagang nag-eenjoy ang magkasintahan sa kanilang pamamasyal sa napakagandang lugar na kanilang pinuntahan. Hindi naman maikakaila ang kasweetan ng magkasintahan sa mga larawan. At ang makasama nga ang nobyo, matapos ang ilang buwan ay talaga namang naghatid ng kaligayahan sa aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bela Padilla (@bela)

Samantala, matatandaan na huling nagkasama sina Bela at Norman noong nakaraang buwan ng Marso matapos nilang magbakasyon sa Turkey. Una namang ipinakilala ni Bela sa publiko ang kanyang boyfriend na si Norman noong nakaraang October 2020.

Sa isang interview noong nakaraang buwan ng Abril, ay matatandaan naman na ibinahagi ni Bela ang tungkol sa relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Norman. Ayon nga kay Bela, ay nakilala niya ang kanyang gwapo at mapagmahal na boyfriend nang mag-shooting siya ng pelikulang Meet Me In St. Gallen sa Switzerland.

“So taga-doon siya… Friends na kami for four years, tapos one year pa lang kami ngayon. Initially hindi namin tinry, siguro kasi nga ang layo tapos ang gastos kung magkikita kami palagi and mas possible kasi na ako ‘yung lumilipad papunta doon so nakakapagod isipin. Parang nung una hindi binigyan ng chance.”

“Pero since nag-pandemic parang ngayon it evened out everyone’s situations so parang napag-isipan na puwede i-try this year. Kasi never naman kami nawalan ng communication parang throughout the four years.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bela Padilla (@bela)

Kwento nga ni Bela, ay apat na taon na silang magkaibigan ni Norman bago pa man maging sila. Hindi rin madali ang sitwasyon ng kanilang relasyon dahil nga sa layo ng lugar na kanilang kinaroroonan. Dahil nga magkalayo ay hindi agad nila nakikita at nakakasama ang isa’t isa, ngunit dahil sa pandemya ay nagkaroon sila ng pagkakataong makasama ang isa’t isa. Kahit naman long distance relationship ang estado ng kanilang relasyon, ay hindi naman sila nawawalan ng komunikasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bela Padilla (@bela)

Ayon pa kay Bela, ay mas naeenjoy niya ang relasyon niya ngayon kay Norman dahil sa space na ibinibigay nila sa isa’t isa kumpara sa mga naging nakarelasyon niya noon. Kwento pa nga ni Bela, ay nagwo-work out ang relasyon nila ni Norman dahil magkasundo umano sila nito sa mga bagay-bagay.

“Nag-wo-work siya more for me. Kasi ‘yung ugali ko hindi siya sobrang Filipino. Parang mas Western ako mag-isip, so bagay sa akin ‘yun. ‘Yun ang nag-wo-work for me. Kasi ‘yung first boyfriend ko was super through and through Filipino, ‘yung bago ka lumabas ng bahay magpapadala ka ng picture kung gaano kaiksi yung suot mo. … Or yung, ‘Kumain ka na ba?’ maya’t maya.”

“Kaya nag-wo-work siguro sa akin yung relationship ko ngayon kasi ang usapan namin ngayon, ang weird eh, mas serious pero mas low-key, minsan tanga lang ‘yung pinag-uusapan namin pero nag-wo-work. Kanya kanya naman ‘yun eh. Kanya kanya ng trip.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bela Padilla (@bela)

Matatandaan na nakarelasyon ni Bela ang film producer na si Neil Arce na ngayon nga ay engaged na sa aktres na si Angel Locsin. Minsan na ring na-link si Bela sa kanyang co-star na si Zanjoe Marudo, ngunit walang naganap na pag-amin mula sa dalawa sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

error: Content is protected !!