Connect with us

Entertainment

Bela Padilla, Masayang Ibinahagi Na Nakalipat Na Siya Ng Tirahan Sa London, United Kingdom

Tila nga panibagong yugto ng buhay ang haharapin ng aktres na si Bela Padilla. Ito nga ay matapos ibahagi ng aktres sa kanyang Twitter account na nakalipat na siya ng tirahan sa London, United Kingdom.

Credits: Bella Padilla | IG 

Nito lamang ika-22 ng Nobyembre nang ianunsiyo ni Bela sa publiko ang balitang ito. Ayon sa aktres, bagama’t ilang buwan na ang nakaraan magmula nang makalipat siya, ay nais muna niyang hanapin ang kanyang katayuan bago siya nagpasyang isapubliko ang kanyang paglipat sa London.

At ngayon nga na nakalipat na siya at natagpuan na rin ang kapanatagan, ay nais niyang isama sa kanyang journey ang kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan sa isang video.

Credits: Bella Padilla | IG 

Caption nga ng aktres sa kanyang post sa Twitter,“So, I moved to London a few months ago. And I tried to find my footing first before sharing what it’s really like. Now, I’m ready to let you in to my life and tell you more about it! Ask me anything you’d like to know about my move and I’ll answer as much as I can in a video.”

Samantala, marami naman sa mga kaibigan ni Bela sa showbiz, ang agad na nagbigay ng komento sa tweet ng aktres. At karamihan nga sa kanila, ay nagtatanong kung ang paninirahan ni Bela sa London, ay permanente na. May mga nagtanong rin kung may balak pa ba si Bela na ituloy ang kanyang karera sa showbiz sa Pilipinas.

Credits: Bella Padilla | IG 

Komento nga ni Karen Davila,“Kudos and good for you Bela! Praying for your success!!! GO GIRL.”

“Are you accustomed to their food now? Or cooking pinoy food at home when craving nalang?” tanong naman ni MJ Lastimosa.

Makikita rin sa Instagram stories ni Bela, na ibinahagi niya ang ilang larawan ng masayang pananatili niya sa London kasama ang kanyang boyfriend na si Norman Bay.

Credits: Bella Padilla | IG 

Matatandaan naman na noong buwan ng Hulyo nang mapabalita ang pag-alis ni Bela sa bansa. Naging madamdamin ang pamamaalam ng aktres sa kanyang malalapit na kaibigan bago niya lisanin ang Pilipinas. At noong Hulyo nga, ay ibinahagi ni Dani Barretto sa kanyang Instagram, ang malungkot nilang pamamaalam sa isa’t isa sa harap ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Kalakip ang larawan kung saan makikitang magkayakap ang dalawa, ay hindi rin maitago ni Dani sa kanyang mensahe na mamimiss niya ng husto ang kanyang kaibigan. Hangad naman ni Dani para sa kanyang kaibigan, ay maging masaya ito sa kanyang pupuntahan.

Credits: Bella Padilla | IG 

“Go and be happy, my Bely. I know I look like a wreck but I am so happy and excited for you. No goodbyes, just see you soon. I love you so much!! Facetime all the time, okay?”

error: Content is protected !!