Connect with us

Entertainment

Bela Padilla, Agaw Pansin Ang Taglay na Kagandahan Nang Dumalo sa Isang Kasal Kasama ang Kanyang Swiss Boyfriend na si Norman Bay

Sa taglay na maamo at magandang mukha ng aktres na si Bela Padilla, ay talaga namang hindi na nakapagtataka kung kabilang siya sa listahan ng mga hinahangaan at tinitingalang artista sa showbiz.

Credits: Bela Padilla | IG

Maliban naman sa pagiging isa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz, ay walang duda rin ang angking talento ni Bela pagdating sa pag-arte. Kaya naman, hindi rin mabilang ang kanyang mga tagahanga na walang sawang sumusuporta sa kanya. Patunay lamang nga nito, ang napakarami niyang proyekto mapa-pelikula man o teleserye na talagang sinusubaybayan ng kanyang mga fans.

Samantala, hindi lamang nga karera ang makulay ngayon sa buhay ni Bela kundi pati na rin ang kanyang love life na binigyang kulay ng kanyang Swiss boyfriend na si Norman Bay. At makikita na hindi lamang masayang-masaya si Bela sa piling ni Norman, kundi blooming rin ang kanyang awra kung saan nga ay lalong gumaganda.

At kamakailan lamang nga, ay agaw pansin ang natatanging kagandahan ni Bela nang dumalo sila ng kanyang boyfriend na si Norman sa isang kasalan na ginanap sa Lake Como, Italy. Ibinahagi ni Bela sa kanyang Instagram ang kanilang sweet photo ni Norman kung saan nilakipan niya ng simpleng caption na “tanti auguri” na ang ibig sabihin ay “congratulations.”

Credits: Bela Padilla | IG

Makikita sa larawan na talagang lutang na lutang ang angking kagandahan ni Bela sa kanyang suot na gown na canary yellow na talagang bagay na bagay sa kanya. Masisilayan rin ang magandang hubog ng kanyang katawan lalo na ngayong nagbawas siya ng timbang. Sa isang larawan naman, ay makikitang sweet na sweet sina Bela at Norman, kung saan ay nakahawak ang Swiss boyfriend ng aktres sa kanyang beywang habang nakatitig sa kanya.

Hindi naman nakaligtas sa mata ng mga kaibigan ni Bela sa showbiz ang kanyang nag-uumapaw na kagandahan sa kanyang magandang gown. At ang mga ito nga ay agad nag-iwan ng positibo at puno ng paghangang komento sa nasabing post ni Bela.

Nanguna nga sa pagbigay puri sa kanyang kaibigan ang aktres na si Kim Chiu kung saan ay nagsabing:

Credits: Bela Padilla | IG

“Sooo bagay! (heart emojis). Soooo super cutie!”

“My sunshine,” komento naman ng kaibigan ni Bela na si Dani Barreto.

Nagkomento rin ang stylist ni Bela na nagbihis sa kanya sa okasyon at nagsabing:

“Bela and Harry spotted in Lake Como (Italy). ILY besh bela.”

Credits: Bela Padilla | IG

Ilang buwan na ring nananatili sa Italy si Bela at tila nga naienjoy niya ang moments nila together ng kanyang boyfriend. Sa kabila nga nito, ay marami ang nagtatanong kung for good na ba ang aktres sa bansa kasama ang nobyo. Anuman ang maging desisyon ni Bela, ay tiyak naman na susuportahan siya ng kanyang mga kaibigan para sa kanyang kaligayahan.

error: Content is protected !!