Connect with us

Entertainment

Beauty Gonzales at Norman Crisologo, Hindi Alintana ang 25 Taon na Age Gap, Ipinakita ang Kanilang Matibay na Pagmamahalan

Tunay nga na kapag nagdikta ang puso, anumang balakid ay handang suungin masunod lamang ang tinitibok nito. Kaya naman, ang agwat ng edad sa dalawang pusong nagmamahalan, kailanma’y hindi naging hadlang.

Marahil ay makakatanggap sila ng ilang pangungutya at panghuhusga mula sa ibang tao, ngunit higit na mananaig ang pag-ibig ng dalawang pusong nagmamahalan. Tunay nga na kahit anung balakid ay kayang lampasan, kapag wagas na pag-ibig ang alay.

Katulad na lamang ng aktres na si Beauty Gonzalez na hindi alintana ang 25 taong age gap nila ng kanyang asawang si Norman Crisologo na isang businessman/art curator. Sa kabila nga ng malaking agwat ng kanilang mga edad, ay mas lalo pa nilang napagtibay ang kanilang pagmamahalan. Si Norman na 55 taong gulang ay mas matanda ng 25 na taon kay Beauty na 29 taong gulang pa lamang.

Mas pinatunayan mag-asawa na walang makakahadlang sa kanilang pag-iibigan. Kaya naman, sila ay ikinasal noong 2017 sa Tagaytay. Bago naman maikasal si Norman kay Beauty, ay nauna na itong ikinasal sa aktres na si Max Eigenmann kung saan ay nagkaroon sila ng dalawang anak.

Samantalang si Norman at Beauty naman ay may 4 na taong gulang na anak na babae na ngayon, si Olivia na isinilang ng aktres noong 2016.

Bagama’t, nakatanggap noon ng panghuhusga mula sa ibang tao dahil baka raw pera lang ang habol ni Beauty kay Norman, dahil sa agwat ng kanilang edad, ay mas lalo naman nilang pinatunayan na tunay at wagas ang kanilang pagmamahalan.

Samantala, nagsimula naman ang kanilang pag-iibigan ng mapadaan si Norman sa isang bookstore kung saan nakita niya ang isang magazine na si Beauty Gonzalez ang cover nito. Magmula noon ay hindi na maalis sa isip niya ang aktres, at gumawa na ng paraan para magkakilala sila. Hiningi ni Norman ang tulong ng kaibigan niya sa showbiz na si Ellen Adarna para kunin ang numero ng telepono ni Beauty.

Noong una raw ay binalewala ni Beauty ang text na natanggap niya mula kay Norman, sa pag-aakalang nagbebenta lang ito ng insurance o loan. Ngunit, hindi naman sumuko si Norman,dahil talagang pursigido siyang makilala ang aktres, kaya tinawagan niya ulit ito gamit ang ibang numero. At nang sumagot na nga, ay agad niyaya ni Norman na manood ng concert ng Eraserheads ang aktres dahil solidong tagahanga si Beauty ng banda. Hindi naman nag-atubili si Beauty at pinaunlakan ang imbitasyon ni Norman. Nasundan agad ito ng marami pang imbitasyon, dahilan ng madalas na nilang pag-uusap. At sa Paris nga naganap ang una nilang date matapos manood ng concert ng Eraserheads.

Sa isang panayam naman ay sinabi ni Beauty, na napakalaki ng nabago sa buhay niya, magmula ng maging bahagi ng buhay niya si Norman.

“My whole life changed when I met Norman. Maraming nangyari sa career ko. He’s my mentor. He’s my everything. That was one of the biggest changes, na-uplift yung career ko when I met him. I’m happy he came at the right time, he guides me very well kasi we really help each other,”pahayag ni Beauty.

error: Content is protected !!