Connect with us

Entertainment

Bea Alonzo, Nag Set-up ng Nakaka Goodvibes na Outdoor Cinema Kasama ang Pamilya sa kanilang Beati Firma Farm

Bagamat matagal nang nasa mundo ng showbiz ang aktres na si Bea Alonzo, patuloy pa rin siyang hinahangaan ng mga tao hindi lamang dahil sa kaniyang napakahusay na pag-arte ngunit dahil na rin sa kaniyang maayos at wais na pagpapatakbo ng kaniyang farm. Hindi maitatanggi na talagang enjoy na enjoy ang aktres sa iba’t ibang gawain at proyekto dito.

Sa pinakabagong farm life vlog ng aktres at may-ari ng Beati Firma na si Bea Alonzo, ibinahagi nito ang isang outdoor cinema na kaniyang inihanda para sa kanilang pamilya.
Talagang napakaganda at komportable ang nagawang outdoor cinema ni Bea para sa kaniyang pamilya. Kumpleto ito ng inflatable na mga upuan, buri rug, at throw pillows upang makapagrelax ang bawat miyembro ng kanilang pamilya.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Mukha ring Instagramable ang set-up na ito dahil sa mga disenyo at iba’t ibang ilaw na mga dekorasyon.

Hindi rin mawawala ang inihandang mga snacks ng aktres para sa lahat. Talagang masasabi na pinaghandaan ni Bea ang simpleng movie night na ito dahil sa kaniyang mga inihandang popcorn maker at iba’t ibang refreshments sa isang snack station. Makikita rin naman na tulong-tulong sa paghahanda ang buong pamilya at maging ang kanilang mga staff sa Beati Firma.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Ayon kay Bea, nagkaroon siya ng ideya na maghanda ng isang outdoor cinema dahil matagal-tagal na rin mula noong nagkaroon siya ng pagkakataon na lumabas at manuod sa mga sinehan. Inalala rin ng aktres ang ilang masasayang alaala ng panunuod ng magagandang pelikula. Dahil dito, gumawa siya ng paraan upang maranasan ulit ng kanilang pamilya ang panunuod sa sinehan habang sila ay namamalagi sa kanilang farm.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Talaga rin namang isang napakagandang paraan ito upang makapag-bonding ang buong mag-anak. Kapansin-pansin ang kasiyahan ng bawat miyembro ng kanilang pamilya sa simpleng movie night na ito. Bukod sa kanila, natuwa rin ang mga netizens sa vlog na ito. Ayon nga sa isang subscriber ni Bea,

“Bea is living the life everybody dreams of. Nakakainggit in a positive way. It inspires me to work hard to live a life like hers.”

Totoo rin na sa vlog na ito, ipinakita ni Bea ang kagandahan ng pagkakaroon ng isang farm. Bukod sa naibibigay nitong kasiyahan at kapayapaan, napakaraming masasayang mga gawain bukod sa pagsasaka ang maaaring gawin dito.

error: Content is protected !!