Connect with us

Inspiring

Bea Alonzo, Masayang Ipinasilip ang Pagkakaroon ng Greenhouse, Outdoor Kitchen at Marami Pang Karagdang Improvement sa Kanyang Beati Firma Farm sa Zambales

Ilang beses ng ipinasilip sa atin ng award-winning actress na si Bea Alonzo ang naipundar niyang napakalawak na farm sa Zambales, na tinawag niyang Beati Firma. Matatandaan na ito’y unang ibinahagi ni Bea sa kanyang YouTube channel, kung saan ay sinabi niya na ang farm niyang ito ang naging haven ng kanyang pamilya noong kasagsagan ng pandemya.

Tunay na marami ang namangha sa napakalawak at napakagandang farm na ito ni Bea, lalo pa’t ang naging hands-on sa pagpapaganda nito ang ang mismong ina ng aktres. Isa sa mga tunay na kinabiliban sa Beati Firma ay ang pagiging organized nito, kahit sa mga pananim, tulad ng mga tanim ditong puno ng mangga na talagang pare-pareho ng sukat ang pagitan sa isa’t isa. Ang ipinagmamalaki din ni Bea dito ay ang pagpapatayo niya ng sarili nilang chapel sa loob mismo ng kanyang farm, at ang pag-aalaga nila ng iba’t ibang mga hayop dito.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Samantala, sa pinakabagong vlog ng aktres, ay muli naman niyang ipinasilip nito lamang nakaraan, ang mga karagdagan sa Beati Firma tulad na lamang ng Greenhouse, Outdoor Kitchen at marami pang iba.

Sa pagbabahagi ng mga development sa Beati Firma ay kasama ni Bea ang kanyang ina, at ang una nilang ipinakita na nadagdag sa farm nila ay ang walking running trail na siyang daan patungo sa mismong farm house, chapel at sa iba pang bahagi ng farm. Ipinakita din ni Bea ang bagong tayong guard/staff house.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Ipinagmamalaki din na ipinakita nina Bea at kanyang ina ang iba’t ibang fruit baring trees sa kanilang farm, tulad na lamang ng chiko, caimito, santol, guyabano, dalandan at calamansi. Maliban pa sa mga ito, ay ibinahagi din ni Bea na may bahagi din sa Beati Firma ang may mga tanim naman na iba’t ibang mga bulaklak ang kanyang ina, tulad ng orchids, santan, gumamela, at marami pang iba.

Isa pa sa mga karagdagang nadagdag sa Beati Firma ay ang temporary swimming pool area, kung saan ito’y isang malaking steel frame pool, na ayon sa aktres ay nabili nila noon pang pandemic. Ang pool na ito ay mayroong net na siyang nagsisilbing lilim nito at aabot naman sa 48,000 liters ng tubig ang maaring mailagay dito. Ibinahagi naman ni Bea, na plano din talaga nilang maglagay ng totoong pool sa farm nilang ito.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Ipinakita din ng award-winning actress at ng kanyang ina ang isang mini-Daycare o playroom ng kanyang mga pamangkin na sina Santi at Luca, kung saan sa labas nito ay masisilayan na ang mga magagandang laruan tulad ng 3-in-1 slide at big toy car.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Kasunod naman nito ay proud na ipinasilip ni Bea ang Greenhouse na ipinagawa ng kanyang ina, ganun din ang bagong pinturang basketball court nila sa farm. Ipinakita din nila ang mas in-improve na treehouse na may pond.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Masaya namang ibinahagi ng ina Ina ni Bea ang mga karagdagang alaga nilang hayop sa farm, tulad na lamang ng kabayo at baka, kaya naman talagang makikita na napakarami ng mga kabayo at baka sa farm na ito ng pamilya. Maliban pa sa baka at kabayo, ay mayroon ding mga tupa, kambing, manok, at baboy na alaga sa Beati Firma farm.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Nagpagawa din ng isang outdoor kitchen ang ina ni Bea sa Beati Firma, isang native kitchen na ang kanyang ina mismo ang nag-ayos. Kamangha-mangha naman ang pagiging organized nito, dahil nakahiwalay ang lutuang kahoy, lutuang uling ganun din ang stove. Mapapansin ang pagkakasalansan ng mga sinibak na kahoy na pang gatong sa isang lagayan na nasa itaas na bahagi ng lutuan.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Huli namang ipinasilip ni Bea at kanyang ina ang kanilang storage area, kung saan nakatambak ang kanilang mga sako-sakong palay, na ayon sa aktres ay naan isa palayan nila sa Botolan. Sa gilid naman ng storage area, ay isang open space lang kung saan, makikita na dito naman nakalagay ang mga kagamitan sa farm, tulad na lang ng traktora at iba pa.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Tunay na napakaganda ng Beati Firma farm at nakakabilib ang pagiging organized nito. Ayon naman kay Bea, ay hindi pa natatapos dito ang development ng kanilang farm, dahil marami pa silang naiisip na idagdag dito.

error: Content is protected !!