Connect with us

Entertainment

Bea Alonzo, Masayang Ipinasilip ang Kanyang Paghaharvest ng Mga Gulay sa Vegetable Garden ng Kanyang Napakalawak na Farm

Masasabi nga na isa sa napakagandang investment ang makabili ng isang napakalawak na lupa sa probinsya upang gawing isang farm. At isa nga sa patunay ng mga salitang bunga ng sipag at tiyaga ay ang naipundar na napakalawak na farm sa Zambales ng aktres na si Bea Alonzo na pinangalanan niyang Beati Firma.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Marami ang pinahanga ni Bea nang kanyang ipasilip ang kanyang napakalawawk na farm kung saan nga masisilayan ang malawak na taniman ng mangga.

Ngunit, maliban rito, ay makikita rin sa napakalawak na farm ang iba’t ibang alagang hayop, at may fishpond rin ito. Makikita rin rito ang iba’t ibang klase ng nga namumungang puno na kung saan nga ay talagang organic at walang halong kemikal. Kaya naman, makakatiyak na ang bawat bunga ng puno ay siksik sa sustansiya.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Samantala, sa latest vlog ni Bea na mapapanood sa kanyang YouTube Channel, ay ibinahagi ng aktres ang bagong proyekto sa kanyang Beati Firma farm. Ito nga ang vegetable garden na tinawag ng aktres na “Mary’s Secret Garden” kung saan nga ay mga pananim ng kanyang ina na si Mary na kilala rin bilang si Madam M.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Sa nasabing vlog ay masayang ipinasilip ni Bea ang kanyang paghaharvest ng mga gulay sa secret garden ng kanyang ina. Ilan nga sa mga pananim na makikita rito ay sitaw, talong,okra at mais. Makikita naman kung gaano kasaya si Bea habang pinipitas ang bunga ng sitaw at talong.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Ayon naman kay Bea, ay malaki ang naitutulong ng pagkakaroon ng garden dahil bukod sa masustansiya ay nakakatipid rin. Kaya naman, hinikayat ni Bea ang kanyang mga tagahanga na magkaroon ng garden sa kanilang tahanan dahil agad rin itong mapapakinabangan sa loob ng mahigit isang buwan.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Habang namimitas naman ng bunga ng gulay ay bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan dahilan nga upang ihinto ni Bea ang kanyang paghaharvest. Bagama’t, hindi natapos ang paghaharvest ni Bea, ay ipinagpatuloy niya ang kanyang vlog sa pamamagitan naman ng pagpapasilip ng masayang bonding ng kanilang pamilya.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

At ang kanilang libangan o nagsisilbi nilang pampalipas oras sa tuwing umuulan sa farm ay ang paglalaro ng baraha. Ayon naman kay Bea, ay biyayang naituturing ang pag-ulan dahil nga mas lalo pa nitong napapalusog ang mga pananim sa kanilang farm.

Kahit naman umuulan, ay hindi ito naging hadlang sa pamilya ni Bea para magkaroon ng masayang bonding moments. At sa huling bahagi ng vlog ni Bea ay napuno ito ng masayang tawanan ng kanyang pamilya.

error: Content is protected !!