Connect with us

Entertainment

Bea Alonzo, Masayang Ipinagdiwang Ang New Year Kasama Ang Kanyang Boyfriend Na Si Dominic Roque At Kanyang Pamilya Sa Pangasinan

Sa pagsalubong ng bagong taon ay mahalagang kasama natin ang ating mga mahal sa buhay lalo na ang ating pamilya. Ang bagong taon nga ay isang panibagong taon para magsimula sa buhay nang puno ng pag-asa.

Photo credits to the owner

Kaya naman, ang aktres na si Bea Alonzo ay ipinagdiwang ang pagsalubong ng taong 2022 kasama ang kanyang pamilya. At siyempre hindi rin mawawala sa espesyal na araw na ito ang kanyang boyfriend na si Dominic Roque.

Photo credits to the owner

Para nga salubungin ang bagong taon ay nagtungo sila sa isang napakagandang beach sa Pangasinan. Nito lamang ika-8 ng Enero ay ipinasilip ni Bea sa isang vlog na mapapanood sa kanyang YouTube channel ang kanilang paghahanda sa pagsalubong ng New Year. Ipinasilip rin ng aktres ang naging selebrasyon nila ng bagong taon kung saan maliban sa pamilya ni Bea ay nakasama rin nila ang pamilya ni Dominic.

Photo credits to the owner

Sa unang bahagi ng video ay ipinakita ni Bea ang kanilang naging paglalakbay patungo sa isang napakagandang beach resort sa Pangasinan kung saan nila sasalubungin ang bagong taon. At makikita nga na talagang pinaghandaan nila ang masayang selebrasyon na ito. Ang kanilang mga inihandang pagkain nga ay makikitang nakahain sa gilid ng pool.

Pagsapit ng gabi nga kung saan ilang oras na lamang ang hinihintay bago sumapit ang pagsalubong ng bagong taon, ay makikita namang isang mahabang lamesa na ang nakahanda sa dalampasigan para naman sa kanilang masayang salo-salo. Makikita namang napakaganda ang set up nito. Tila nga ito’y isang memorable na gabi para sa pamilya nina Bea at Dominic. Mas lalo pang pinaganda ang gabi dahil habang sila’y kumakain ay maririnig rin ang magandang musika na hatid ng live band.

Photo credits to the owner

Sa mismong pagdiriwang naman ng New Year ay pinakilig naman nina Bea at Dominic ang kanilang mga tagahanga. Makikita kasi sa video ang nag-uumapaw na kasweetan nina Bea at Dominic sa isa’t isa. Sinalubong nila ang taong 2022 ng panonood ng makukulay na fireworks. Isa namang matamis na halik at yakap ang pinagsaluhan nina Bea at Dominic sa pagsalubong ng bagong taon.

Photo credits to the owner

Sa huling bahagi naman video ay mapapanood ang masasayang alaala na kanilang pinagsaluhan sa nakalipas na taon na 2021. At makikita naman na talagang masasayang alalala ang baon ni Bea sa taong 2022.

Photo credits to the owner

Hindi naman maikakaila na ang taong 2021 ay isang malaking biyaya sa buhay ni Bea. Sa taong 2021 nga ay bumuhos ang biyaya sa kanyang karera magmula sa mga endorsements at pati narin sa mga TV shows. Pinagpala rin ang buhay pag-ibig ni Bea noong nakaraang taon kung saan nga ay ipinagkaloob sa kanya ang isang mapagmahal na boyfriend sa katauhan ni Dominic. At siyempre, busog na busog naman si Bea sa pagmamahal at pagsuporta ng kanyang pamilya.

error: Content is protected !!